News Releases

English | Tagalog

"Your Face Kids" season 1 and 2 performers, back-to-back ang pasabog ngayong weekend

August 10, 2018 AT 02:42 PM

Mas madaragdagan pa ang saya at kulit ngayong weekend dahil magsasama sa unang pagkakataon sa iisang entablado ang kasalukuyang walong “Your Face Sounds Familiar Kids” performers kasama ang celebrity kids ng naunang season.

Sa kanilang pagsasanib-puwersa, gagayahin nila ang ilan sa pinakasikat na duets o grupo na naghandog ng ilan sa mga hindi malilimutang performances na tumatak sa puso ng lahat.

Panoorin si Esang De Torres kasama si Awra na magta-transform bilang ang mag-inang sina Jaya at Elizabeth Ramsey.

Hindi rin magpapahuli ang TNT Boys kasama si Sam Shoaf sa impersonation nila bilang ang multi-awarded American band na Abba.

Isang powerful collaboration naman ang ihahandog nina Sheena Belarmino at AC Bonifacio sa kanilang duet bilang sina Ariana Grande at Miley Cyrus.

Magdadala naman ng kilig ang tandem nina Krystal Brimner at Justin Alva bilang Jason Donovan at Kylie Minogue.

OPM icons ang gagayahin nina Marco Masa at Lyca Gairanod sa pag-impersonate nila kina Tirso Cruz III at Nora Aunor.

Magdadala ng cute performance ang mga bulilit na sina Onyok Pineda at Xia Vigor bilang John Travolta at Olivia Newton-John.

Makakasama naman ni Chunsa Jung si Alonzo Muhlach sa kanilang throwback performance bilang ang bandang Aqua.

Sino nga kaya sa kanila ang pinakatatatak ang performance?

Panoorin ang cute transformations ng kiddie performers sa “Your Face Sounds Familiar Kids” ngayong weekend sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.