News Releases

English | Tagalog

Kisses Delavin at cast ng "Walwal," tampok sa Matanglawin Quiz Challenge

August 14, 2018 AT 05:33 PM

Kisses Delavin leads “Walwal” girls in “Matanglawin” quiz challenge

Kisses Delavin and her “Walwal” co-stars Jane de Leon and Sofia Senoron must think and act fast or face consequences as they play in this week’s “Matanglawin” challenge this Sunday (July 1), 9:45 am on ABS-CBN.

Makikipagpaligsahan sina Kisses Delavin at ang kanyang mga co-star sa “Walwal” na sina Jane de Leon at Sofia Senoron sa “Matanglawin” challenge ngayong Linggo (Hulyo 1) 9:45 ng umaga sa ABS-CBN.
 
Masusubukan ang diskarte at galing ng tatlong bida ng pelikula sa pagsagot sa mga tanong ni Kuya Kim Atienza.
 
Alamin naman ang mga iba’t ibang produkto at gamit ng asin kasama si GirlTrend Krissha Viaje sa Pangasinan, na dating kilala bilang “Panag-Asinan.” Ibabahagi rin ni Kuya Kim ang tinatawag na “Asin Tibook,” na isang kakaibang gamit ng mineral na ito mula sa Bohol.
 
Abangan rin ang kakaibang guhit ng artist na si Nik Ignacio, na nilalarawan ang mga sikat na artista gamit ang kanilang mga salita.
 
Makisaya at matuto ngayong Linggo (Hulyo 1), 9:45 ng umaga sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwantv.com.phskyondemand.com.ph. Sundan ang kanilang Facebook at Twitter (@MatanglawinTV). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.