News Releases

English | Tagalog

SM City Bacolod mag-umapaw sa saya kasama ang “Boyfie Ng Bayan” Marlo Mortel sa SKYdirect Jam

August 15, 2018 AT 02:50 PM

SKYdirect Jam brings “Boyfie ng Bayan”Marlo Mortel to SM City Bacolod

A weekend full of fun and surprises together with Kapamilya celebrity and “Boyfie ng Bayan” Marlo Mortel await Bacolod as SKYdirect Jam hits SM City on August 25 and 26 (Saturday and Sunday).

Sulit ang weekend saya ng pamilya sa Bacolod sa pagdalaw ng SKYdirect! Nasa SM City Bacolod ang SKYdirect Jam ngayong August 25 and 26 (Sabado at Linggo). At LIVE pang makakasama ang “Boyfie ng Bayan” na si Marlo Mortel on August 25 at 4pm.

Sa ground floor ng main atrium ng nasabing mall, dala ng SKYdirect ang kasiyahan sa ating mga Kapamilyang Ilonggo. May pa-videoke activities na hitik sa papremyo at kaaaliwan din ang mga interactive trivia games tampok ang mga kilalang TV shows at characters na mapapanood sa SKYdirect channels.

Ang SKYdirect ay ang direct-to-home (DTH) service ng SKY na gumagamit ng satellite technology para mas maabot ang maraming pamilyang Pilipino saan mang sulok ng bansa. Sa SKYdirect, tiyak mabubusog ang bawa’t miyembro ng pamilya sa saya dahil sa iba’t-ibang channels nito tulad ng ABS-CBN HD, sports channels na ABS-CBN Sports and Action at Liga, ANC, Cinema One, MYX, Metro, Jeepney TV, DZMM TeleRadyo, Yey, at Cinemo.  Mapapanood rin dito ang top-rating cable channels na Cartoon Network HD, HBO HD, Disney, Nickelodeon, Warner TV HD, Blue Ant Entertainment, TLC, AXN HD, at History HD.

Available kahit saan sa Pilipinas, maaaring pumili sa Prepaid Plans 50, 99, 150, 250 o 450.  Meron ding Postpaid Plans 250 at 450. Pwede ring mamili at magdagdag ng channels ang mga subscriber on top of their basic plan via SKYdirect Select, for as low as P20/month.

Naglabas din ang SKYdirect ng latest pay-per-view offer na Sine 30 – mga pelikulang babalik-balikan for P30 only for 3-day access.

Huwag nang magpahuli sa pakiki-jam, Kapamilya!  Pumunta at makisaya with SKYdirect kasama ang pamilya at barkada sa SM City Bacolod sa August 25 to 26.

Ang SKY Cable Corporation ay ang nagpakilala ng cable television sa mga Pilipino noong 1990. Mula noon, nanguna na ito sa cable tv technology at sa pagbibigay ng customized content experience sa mga subscribers nito. Ito rin ang may pinakamaraming HD channels. Bukod sa SKYdirect, handog rin ng SKY ang SKYcable, One SKY Premium (unlimited internet all-in bundles), at SKY On Demand (video-on-demand).