News Releases

English | Tagalog

AlEmpoy at JoshLia, tampok sa KBO

August 16, 2018 AT 02:41 PM

Tampok sa KBO ang dalawang nakakaantig ng kwento ng pag-ibig, ang “Kita Kita” nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez “Love You to the Stars and Back” nina Julia Barretto at Joshua Garcia,  ngayong Sabado (Aug. 18) at Linggo (Aug. 19).
 
Masisilayan muli ng manonood ang isang kakaibang love story tungkol sa isang babae (Alessandra na gaganap bilang si Lea) na pinupulot ang kanyang sarili matapos masaktan at isang lalaki (Empoy na gaganap bilang si Tonyo) na piniling gumawa ng mabuti sa kanyang kapwa sa natitirang mga araw ng kanyang buhay. Labis na ikinatuwa ng manonood ang naturang pelikula sa pagbibigay nito ng aral tungkol sa pagtanggap sa sarili, sa kagandahang-loob, at ang pagsasakripisyo ng sarili para sa kalagayan ng iba.
 
Samantala, bago pa man umere ang pinaka-unang teleserye ng JoshLia na “Ngayon at Kailanman,” dadalhin muna ng kanilang mga karakter na sina Mika (Julia) at Caloy (Joshua) sa pelikulang “Love You to the Stars and Back” ang mga Kapamilya sa isang road trip na puno ng saya, kwela, at mga aral sa buhay.
 
Makakasama rin sa line-up nitong linggo ang “Unmarried Wife,” “Squad Goals,” at “Elemento.”
 
Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 AUG18<TVplus box ID> sa 2366.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com