News Releases

English | Tagalog

“THE DREAM TOUR” NI MAYMAY, TUTUNGO SA BAGUIO AT CEBU

August 16, 2018 AT 02:57 PM

Maymay takes “The Dream Tour” to Baguio and Cebu

Maymay Entrata, the MOR Pinoy Music Awards 2018 Song Of The Year winner for “Shanawa,” is taking Baguio and Cebu by storm on September 14 and October 19, respectively, for the continuation of the highly anticipated “The Dream Tour Maymay in Concert” series.

Maghahatid ng musika at saya si Maymay Entrata, ang Song Of the Year winner sa nakaraang MOR Pinoy Music Awards para sa awiting “Shanawa,” sa Baguio sa Setyembre 14 (Biyernes) at sa Cebu sa Oktubre 19 (Biyernes) para sa pagpapatuloy ng kanyang pinaka-inaabangang “The Dream Tour Maymay in Concert” series. 
 
Ang sold-out concert ni Maymay, ang kauna-unahang niyang solo major show na ginanap noong Pebrero 23 sa Kia Theatre, ang nagbigay daan para sa “The Dream Tour,” handog ng Star Events at nagsimula sa Imus Sports Complex sa Cavite noong Abril 13.
 
Magpeperform ng live ang “Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko” star sa University of Baguio kasama ang mga special guests na sina Edward Barber, Zeus Collins, Migz Haleco, at Marlo Mortel.
 
Sasamahan din siya muli ng kanyang ka-loveteam na si Edward sa Cebu leg ng kanyang concert na magaganap sa Hoops Dome Arena sa Lapu-Lapu City.
 
Mapapanood ng fans ang Best Novelty Singer of the Year ng 2017 Eduk Circle Awards sa kanyang pag-awit ng mga kantang “Kabaduyan,” “Toinks,” “Baliw,” “Shanawa” at iba pa.
 
Simula nang itanghal siya bilang big winner sa “Pinoy Big Brother Lucky Season 7,” madalas nang nangunguna si Maymay sa radio charts para sa mga tracks na nakapaloob sa kanyang self-titled debut album sa ilalim ng Star Pop, ang record sublabel ng Star Music. Nakamit din nito agad ang platinum status ilang buwan pa lamang pagkatapos itong ilunsad.
 
Magaganap ang “The Dream Tour Maymay in Concert” sa Baguio sa Setyembre 14 (Biyernes) at sa Cebu sa Oktubre 19 (Biyernes), 8 PM. Maaari nang bumili ng tickets sa SM Tickets o tumawag sa 4702222. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, at Instagram @StarMusicPH.