News Releases

English | Tagalog

Tambalang Bea-John Lloyd at Kathryn-Daniel, bibida sa KBO

August 02, 2018 AT 03:29 PM

Team up of Bea-John Lloyd, Kathryn-Daniel topbill KBO this weekend

KBO offers back-to-back ‘kilig’ with the airing of hit movies of love teams of Bea Alonzo and John Lloyd Cruz, and Kathryn Bernardo and Daniel Padilla this weekend.

Aapaw ang kilig ngayong Sabado (Aug.4) at Linggo (Aug. 5) sa KBO dahil palabas ang hit movies ng tandem nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Taong 2007 nang ipakilala sa atin ng Star Cinema sina Bea at John Lloyd bilang Popoy at Basha. Dito nabigyang buhay ang hindi malilimutang linya na “She loved me at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang lahat yun.”

Balikan muli ang kwento ng magkasintahang inakala ng lahat ay sa kasalan na ang hantungan ngunit pinaglayo ng magkaibang ambisyon. Sa kanilang pag-iiba ng landas, patuloy pa rin silang guguluhin ng mga ala-ala ng nakaraan.

Back-to-back na eere ang “One More Chance” at sequel nitong “A Second Chance” na tungkol naman sa mga problema sa buhay mag-asawa nina Popoy at Basha.

Samantala, mapapanood din muli ang pelikulang ng KathNiel na unang dinirehe ng batikang direktor na si Olivia Lamasan.

Kinunan sa bansang Espanya, umiikot ang storya sa binatang si Ely (Daniel), isang lalaking hindi pa makalimutan ang kanyang yumaong kasintahan. Sa pagdating ni Mia (Kathryn) sa kanyang buhay, gugluhin niya ang planadong buhay ng binata.

Bukod sa pelikula ng dalawang sikat na loveteams, mapapanood din ang “Barker” at “Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz.”

Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 AUG4<TVplus box ID> sa 2366.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com