News Releases

English | Tagalog

ELNELLA, MAY HATID NA MUSIKA AT MAHIKA SA CINEMA ONE PREMIERE NG “MY FAIRY TAIL LOVE STORY”

August 24, 2018 AT 01:17 PM

ElNella makes a splash in "My Fairy Tail Love Story" on Cinema One

Elmo Magalona and Janella Salvador embark on an ocean-themed musical adventure together in their big screen debut “My Fairy Tail Love Story,” airing on Cinema One this Sunday (August 26) at 7 PM.

Magsasama sina Elmo Magalona at Janella Salvador para sa kanilang big screen debut, ang ocean-themed musical adventure na “My Fairy Tail Love Story” na mapapanood na sa Cinema One ngayong Linggo (Agosto 26), 7 PM.
Tampok sa kwentong pantasiya na ito ang laki sa layaw na si Chantel (Janella), na masusumpa bilang sirena mataos niyang guluhin ang ilang coral reef habang nasa isang bakasyon. Hihingi ito ng tulong sa kanyang matalik na kaibingan na si Noah (Elmo), na naniniwalang isang halik mula sa tunay na pag-ibig ni Chantel ang lunas upang maibalik ang mga binti nito.
Magsisimula na ang misyon ng magkaibigan na hanapin ang ‘prince charming’ ni Chantel na iisipin nitong nasa katauhan ng celebrity DJ na si Ethan (Kiko Estrada). Mahihirapan naman si Noah dulot ng kanyang inililihim na nararamdaman para sa dalaga.
Magkaroon pa kaya ng pag-asa si Noah sa kanyang pag-ibig? Mahanap naman kaya ni Chantel ang kanyang ‘happily ever after’?
Tampok rin sa “My Fairy Tail Love Story” sina Kiray Celis, Dominic Ochoa, Dimples Romana, Kakai Bautista, Jervi Li, Rubi Rubi, at Miles Ocampo.
Tunghayan ang mahiwagang kwento kasama ang ElNella loveteam sa “My Fairy Tail Love Story” ngayong Linggo (Agosto 26) sa Blockbuster Sunday ng Cinema One, 7 PM. Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.