News Releases

English | Tagalog

“CHANGING PARTNERS,” MAGDADALA NG MUSIKA AT PAG-IBIG SA CINEMA ONE

August 03, 2018 AT 01:33 PM

"Changing Partners" brings music and love on Cinema One

A gender bending film on love’s universal language…

Handog ng 2018 PMPC Star Awards for Movies Indie Movie of the Year na “Changing Partners” ang kakaibang atake sa buhay pag-ibig sa musical drama na ito na unang beses ipapalabas sa Cinema One ngayong Linggo (Agosto 5).
 
Bahagi ng Cinema One Originals 2017 film sina Agot Isidro, Anna Luna, Jojit Lorenzo, at Sandino Martin sa kwentong nakakapukaw ng damdamin at nagpapakita ng iisang lenggwahe ng pag-ibig base sa matagumpay na stage musical na “Changing Partners” ni Vincent de Jesus. 
 
Umiikot ang pelikula sa apat na kwento ng dalawang nagmamahal na may 15-taon agwat sa edad. Tampok dito si Alex (Agot, Jojit) at Cris (Anna, Sandino) sa magkakaibang relasyon, na nagpapakita ng iba’t ibang estado ng pag-ibig anumang kasarian meron ang mga nagmamahal.
 
Umani ang “Changing Partners” ng walong awards mula sa Cinema One Originals, kabilang na ang Audience Choice at Ensemble Acting. Nasungkit din ni Agot at Jojit ang best acting awards, habang naging Best Director naman si Dan Villegas.
 
Nagwagi rin ang pelikula sa 2018 FAMAS Awards, kung saan kinilalang Best Actress si Agot at nakuha ni Vincent de Jesus at Lilit Reyes ang Best Adapted Screenplay.
 
Nakakuha rin ito ng limang awards sa PMPC Star Awards for Movies, kabilang na ang Best Indie Director para kay Dan.
 
Abangan ang masalimuot na kwento ng pag-ibig sa “Changing Partners” ngayong Agosto 5, sa Blockbuster Sunday ng Cinema One, 7 PM. Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.