News Releases

English | Tagalog

“La Luna Sangre,” “Star Hunt,” mapapanood na sa Jeepney TV

September 13, 2018 AT 04:57 PM

“La Luna Sangre,” “Star Hunt” take over Jeepney TV’s weekends

Weekends on Jeepney TV are now packed with more excitement as ABS-CBN’s ongoing grand audition show “Star Hunt” and the hit fantaserye “La Luna Sangre” air on ABS-CBN TVplus’ new channel starting this September.

KathNiel, ipapakita ang lakas sa bagong channel ng ABS-CBN TVplus

Doble ang sayang ibibigay ng Jeepney TV tuwing Sabado at Linggo sa pagdating ng ABS-CBN grand audition show na “Star Hunt” at pagpapalabas ng “La Luna Sangre” sa nasabing channel simula ngayong Setyembre.

Mula sa matagumpay  nilang pagganap bilang Primo at George sa box office hit movie na “The Hows Of Us,”muling bubuksan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mundo ng mga bampira at lobo sa “La Luna Sangre,” kasama si Richard Gutierrez, tuwing Sabado.

Si Malia (Kathryn) ang isinasabing ‘itinakda’ na tatapos sa kasamaan ni Sandrino (Richard) na siyang pumaslang sa karamihan ng mga lobo kasama na ang kanyang mga magulang. Ngunit nang hindi maipakita ni Malia na siya ay may kakayahan, lalayas ito at tutungo sa mundo ng mga tao. Dito niya makikilala si Tristan (Daniel) na hinahanap ang bampirang pumatay sa kanyang ama. Si Malia na ba ang susi para sa hustisya na hinahanap ni Tristan? Babalik naman kaya si Malia sa mundong kanyang iniwan at tatanggapin ang kanyang ‘kapalaran?’

Ang “La Luna Sangre” ang ikatlong bahagi ng matagumpay na ‘Imortal’ trilogy ng ABS-CBN. Isa ito sa pinakapinapanood na teleserye sa buong bansa at isa rin sa pinag-uusapan sa social media. Extended din ang experience ng fans online dahil sa “Youtopia” web series sa iWant TV, Moonchasers.ph website, at “La Luna Sangre” filter at game apps.

Tunghayan naman ang mga kuwento ng pangarap at tagumpay kasama ang hosts na sina Alex Gonzaga, Kim Chiu, Melai Cantiveros, at Robi Domingo sa “Star Hunt,” na napapanood na tuwing Linggo sa Jeepney TV.

Mula nang nagsimulang umere ang “Star Hunt” noong Agosto sa ABS-CBN, naipasilip ang iba’t ibang kahanga-hangang kuwento ng mga nangangarap at nagsusumikap maipakita ang kanilang talento sa buong bansa. Kasama si Direk Lauren Dyogi, ito na ang unang hakbang tungo sa pag-abot ng kanilang mga minimithi.

Samahan muli ang KathNiel sa kanilang paglalakbay sa “La Luna Sangre” tuwing Sabado, 5 PM simula Setyembre 22, at sundan naman ang mga pangarap na mabibigyang katuparan sa “Star Hunt” tuwing Linggo, 8 PM. Mapapanood ang Jeepney TV sa ABS-CBN TVplus channel 11, SKYcable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.