News Releases

English | Tagalog

MARIS, MAY “STELLAR” ALBUM NA SA ILALIM NG STAR POP

September 14, 2018 AT 04:20 PM

Maris is “Stellar” in her debut Star Pop album

Talented actress-singer Maris Racal makes her much-awaited entry into recording with her freshly launched debut album “Stellar” under Star POP, a sublabel of ABS-CBN’s Star Music, followed by her “Love Is Easy” music video, which will be launched on Wednesday (September 19).

“Love Is Easy” music video ni Maris, ilulunsad sa Miyerkules

Pinasok na nga ng actress-singer na si Maris Racal ang recording sa kanyang pinakahihintay na debut album, ang “Stellar” sa ilalim ng Star Music sublabel na Star POP, at ngayon sinusundan naman ito ng paglunsad ng kanyang “Love Is Easy” music video, na mapapanood simula Miyerkules (Setyembre 19).

Isa lamang ang “Love Is Easy” sa limang tracks na nakapaloob sa solo album ni Maris na prinodyus ni Rox Santos. Tampok din sa nasabing pop album hindi lang ang kanyang magandang boses kungdi pati na rin ang kanyang galing sa pagsusulat ng awitin.

Sa kanyang blog conference, ibinahagi ni Maris ang kanyang inspirsyon para sa kanta. Aniya, “Love is meant to be celebrated, kahit ano pang aspeto, gender, o paniniwala. Love is free, and love is for everyone.”

“Stellar” includes four of her original compositions “Tala,” “Ikaw Lang Sapat Na,” “Tayo Na Di Tayo,” and “Love Is Easy.”

Bahagi ng “Stellar” album ang apat sa kanyang mga orihinal na komposisyon, ang “Tala,” “Ikaw Lang Sapat Na,” “Tayo Na Di Tayo,” at “Love Is Easy.”

Handog ng singer-songwriter ang kwento ng mga kabataang umiibig sa kanyang mga awitin na kabilang din ang isa pang kanta na may titulong “Hi Crush.”

Unang napanood sa “Pinoy Big Brother: All In” bilang ang “Singing Sunshine ng Davao” si Maris na itinanghal na Second Big Placer. Dito nakilala siya dahil sa kanyang pag-awit at pagtugtog ng gitara sa loob ng bahay ni Kuya. Nagwagi naman siya bilang Best New Artist Of The Year sa MOR Pinoy Music Awards 2018 na ginanap kamakailan.

Pwede nang magdownload ng “Stellar” album at abangan ang “Love Is Easy” music video launch ni Maris sa MYX at sa YouTube channel ng Star Music. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang starmusic.ph at i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph at sundan ito sa  Twitter at Instagram @ StarMusicPH.