News Releases

English | Tagalog

“MY PERFECT YOU,” MAMBIBIGHANI SA CINEMA ONE

September 14, 2018 AT 05:17 PM

"My Perfect You" enchants Cinema One this Sunday

Gerald and Pia in a heartwarming and heartbreaking story

Tunghayan ang isang kakaibang kuwento ng pag-ibig sa “My Perfect You,” tampok sina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach sa kanilang unang pagsasama, na eere sa Cinema One ngayong Linggo (Setyembre 16).

Guguho ang perpektong mundo ni Burn (Gerald) nang siya ay tanggihan ng kasintahan sa kanyang alok magpakasal, at nasundan pa ng pagkatanggal niya sa trabaho. Sa kaguluhan nang nararamdaman, tutungo siya sa malayong lugar, maaaksidente, at mapapadpad sa Happy Sunshine Camp na pinamumunuan ng masayahing si Abi (Pia).

Dahil sa kanilang magkaibang personalidad, magkakaroon ng alitan ang dalawa. Hihingi naman ng tawad si Burn kay Abi nang kanyang mapagtanto na gusto lang nitong tumulong at pasayahin siya. Tutulong si Burn na muling itayo ang camp at dito mapapalapit ang dalawa. Ito na kaya ang pangalawang pagkakataon ni Burn sa pag-ibig? 

Ang “My Perfect You” ay mula sa produksyon ng Star Cinema at gawa ng tanyag na direktor na si Cathy Garcia-Molina. Kabilang rin dito sina Dimples Romana, Tonton Gutierrez, Janus Del Prado, Wilma Doesnt, Darwin Tolentino, RJ Ledesma, Paolo O'hara, Marlann Flores, at Xia Vigor. 

Nilarawan ni JE CC ng LionhearTV ang pelikula bilang parehong makabagbag-damdamin at nakakagiliw. Anya, “handog nito ang isang magandang mundo na tila panaginip ngunit totoo. Tiyak na ang katotohanan ng ‘My Perfect You’ ay magpapaiyak sa mga manonood.”

Pinuri naman ni Claudine Felize Itchon ng PEP ang pagkagawa ng tanyag ng direktor. “Muling pinatunayan ni Cathy Garcia-Molina na siya ang reyna ng romantic comedies ng bansa, “ayon kay Claudine.

Tumungo sa isang munting paraiso sa “My Perfect You,” ngayong Linggo (Setyembre 16) sa Blockbuster Sunday ng Cinema One, 7 PM. apapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.