News Releases

English | Tagalog

Tikman ang “Heroes Burger” sa ABS-CBN Studio XP

September 14, 2018 AT 04:54 PM

Try the new Pinoy Komiks-themed organic “Heroes Burger” at ABS-CBN Studio XP

Pinoy Komiks-themed organic burgers await diners at Heroes Burger, the newly opened food stop at the country’s first studio city, the ABS-CBN Studio Experience, located at Ayala Malls Trinoma.

Captain Barbell, Darna, at Lastikman organic burgers, mabibili na sa TriNoma

Pwede nang matikman ang organic burgers na may temang Pinoy Komiks—ang Heroes Burger—ang bagong food stop sa kauna-unahang studio city sa bansa, ang ABS-CBN Studio Experience na matatagpuan sa Ayala Malls TriNoma.

Siguradong magiging masarap ang pagbisita sa Studio XP kapag sinubukan din ang pagkaing handog ng Heroes Burger kung saan tampok ang mga Pinoy Komiks superheroes na sina Captain Barbell, Darna, at Lastikman. 

Magaan sa bulsa ang mga pagkain dito na nagsisimula sa halagang P55 para sa Kaboom burger. May combo meals din, ang Darna burger meal sa halagang P89, Lastikman cheeseburger meal sa halagang P99, at Captain Barbell double cheeseburger meal sa halagang P129, kabilang na ang french fries at inumin. 

Hindi naman kailangang bumili ng Studio XP pass para matikman ang Heroes Burger dahil meron itong takeout counter na matatagpuan sa labas ng studio city.   

Tikman na ang masasarap na handog ng Heroes Burger, na matatagpuan sa ABS-CBN Studio Experience sa 4F ng Ayala Malls TriNoma. Sundan ang ABS-CBN Studio Experience sa Facebook, Twitter, at Instagram (@abscbnstudioxp) o bisitahin ang studioexperience.abs-cbn.com para sa karagdagang impormasyon.