News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Ball, mapapanood sa KBO

September 27, 2018 AT 02:12 PM

Hatid ng KBO ngayong Sabado (Sept. 29) ng 6pm ang live red carpet coverage ng ABS-CBN Ball kung saan dadalo ang daan daang Kapamilya stars ang magsasama para magsaya at para ipagdiwang ang muling pagbubukas ng Bantay Bata 163 Children’s Village.
 
Dadalo sa naturang gabi sina Vice Ganda, Anne Curtis, Pia Wurtzbach, Judy Ann Santos, Sarah Geronimo, at Ian Veneracion.
 
Tunghayan din ang pagsasama-sama ng sikat na loveteams na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, James Reid at Nadine Lustre, Joshua Garcia at Julia Barretto, Maymay Entrata at Edward Barber, at Liza Soberano at Enrique Gil.
 
Bukod sa ABS-CBN Ball, mapapanood din ngayong linggo ang TV premiere ng pelikula ni Andi Eigenmann na “Maid in London” at ang barkada film ni Jose Javier Reyes na “Walwal.”
 
Sesentro ang pelikula na “Maid in London”  kay Margo, isang tindera na umaasang iahon ang kanyang pamilya sa hirap. Dahil sa hirap ng buhay, pipiliin ni Margo makipagsapalaran sa ibang bansa upang maging isang domestic helper sa London.
 
Samantala, iikot naman ang “Walwal” sa magkakaibigan na sina Dondi (Elmo Magalona), Intoy (Jerome Ponce), Marco (Kiko Estrada), at Bobby (Donny Pangilinan) na nangakong magtutulungan at magsasama sa kanilang buhay kolehiyo. Ngunit hindi nilang inasahan na ang kanilang pangalawang taon sa kolehiyo ang susubok sa kani-kanilang buhay.
 
Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 SEPT29<TVplus box ID> sa 2366.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com