News Releases

English | Tagalog

Mga pelikula nina Alex, Yassi, at Cristine, premiere sa KBO ngayong Enero

January 11, 2019 AT 03:49 PM

Sunod-sunod na premiere ng mga pelikula nina Alex Gonzaga, Yassi Pressman, at Cristine Reyes ang magpqpasaya sa KBO viewers sa ABS-CBN TVplus ngayong Enero.
 
Kwela at katatawanan ang dala nina Cristine Reyes, Nathalie Hart, Meg Imperial, at Roxanne Barcelo sa “Abay Babes” ngayong Sabado (Enero 13) at Linggo (Enero 14) kung saan gaganap sila bilang limang babaeng magkakaibigan simula high school at magkakasama muli para sa kasal ng isa sa kanila.
 
Tiyak naman na makaka-relate ang mga taong may hugot sa pag-ibig sa “Para sa Brokenhearted” sa linggo ng Enero 19 hanggang 20.  Tampok sina Yassi Pressman, Louise delos Reyes, Sam Concepcion, Marco Gumabo, at Shy Carlos, matuto sa tatlong kwento ng pag-ibig na magbibigay-aral tungkol sa pagtanggap, pag-move-on, at kung paano magmahal muli.
 
Panoorin sa Enero 26 hanggang 27 ang unang pagsasama nina Vin Abrenica at Alex Gonzaga sa “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka,” ang kwento ni Jaz (Alex), isang babaeng naiipit sa pagitan ng desisyong umibig muli o patuloy pa ring umasa sa pagbabalikan nila ng kanyang ex-boyfriend na gagampanan ni Vin.
 
Ang nasabing pelikula ang directorial debut ng former co-PBB housemate ni Alex na si Fifth Solomon.
 
At hindi lang yan ang masaya sa TVplus dahil bukod sa mga bagong pelikula na hatid ng KBO, extended din ang trial ng free channels.
 
Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 (date)<TVplus box ID> sa 2366.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.