News Releases

English | Tagalog

"I Love You, Hater," mapapanood na sa Cinema One ngayong Linggo

January 11, 2019 AT 10:35 AM

“I Love You, Hater" premieres on Cinema One this Sunday

Witness a bond formed from rivalry in Kris and JoshLia’s “I Love You Hater” this January 13 in Cinema One’s Blockbuster Sunday airing at 7 PM.

Pelikulang pinagsamahan nina Kris at JoshLia, ipapalabas na sa Cinema One
 
Magbabanggaan sina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa pabor ni Kris Aquino sa “I Love You Hater,” ang inaabangang pelikula na mapapanood na sa Blockbuster Sunday ng Cinema One ngayong Linggo (Enero 13).
 
Tampok ang JoshLia tandem sa “I Love You, Hater” bilang sina Joko (Joshua Garcia) at Zoey (Julia Barretto), na maglalaban para mapiling personal assistant ni Sasha (Kris Aquino). Mula ito sa direksyon ni Giselle Andres.
 
Upang matulungan ang kanyang pamilya at makuha ang posisyon, magpapanggap si Joko na bakla, habang unti-unti namang mahuhulog ang loob ni Zoey sa kanya sa kabila ng pag-aakalang hindi siya nito magugustuhan. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Zoey at Sasha kapag nabuko nila ang katotohanan kay Joko?
 
Pinuri ni Julia Allende ng PEP.ph ang pagganap ng mga actor ng “I Love You, Hater.” Ayon sa kanyang isinulat na review, napakaganda ng transisyon ni Julia mula sa isang madamdaming pag-amin, pagkagulat sa isang rebelasyon, hanggang sa pagkagalit dahil sa hindi makatarungang bagay. Anya, nakakatuwa naman si Joshua bilang isang bakla na may lihim na pagtingin sa kanyang kalaban, habang nabigyan naman si Kris ng mga pagkakataon na ipakita ang kanyang dramatic skills na karaniwang natatago sa ibang lady boss roles.
 
Isama ang buong pamilya sa panonood ng “I Love You, Hater” sa Blockbuster Sunday ng Cinema One ngayong Linggo (Enero 13), 7 PM. Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE