News Releases

English | Tagalog

Pangalawang milyonaryo ibubunyag sa “Minute To Win It: Last Man Standing”

January 16, 2019 AT 11:47 AM

Second million-peso winner to be revealed in “Minute To Win It”

The excitement surrounding the new season of “Minute To Win It: Last Man Standing” continues to be at fever pitch after it made another player a millionaire in a yet-to-air episode.

 Premiere, tinutukan ng sambayanan

Mas kapanapanabik ang pinakabagong season ng “Minute To Win It: Last Man Standing” pagkatapos magbunga ng isa nanamang milyonaryo ang programa sa malapit nang i-ereng episode. 
 
“Abangan nyo ang next nating milyonaryo sa mga susunod na araw. May nag-uwi nanaman ng 1 milyon, kapamilya!” pagsasaad ng host nitong si Luis Manzano. 
 
Sa unang linggo ng programa, nanalo si Hashtag Zeus Collins ng 1 milyong piso. 
 
Mas maraming Pilipinong manonood ang sumuporta at tumutok sa season premiere ng “Minute To Win It” na umani ng all-time high na 21.2% kumpara sa katapat na show na “Wowowin” na nagtamo lamang ng 13% mula sa pinagsamang urban at rural homes, ayon sa datos ng Kantar Media.
 
Siksik ng mas madami at bagong laro ang pinakabagong season ng “Minute to Win It” katulad ng—“Lastik Face,” “Trap door,” “Blow by Blow,” “Isang Talong, Isang Sabog,” at “Super Cone” na unang ipinalabas sa premiere.
 
Sa pag-usad ng show, mas maraming games pa ang makikita na may halong “Filipino touch” dahil mismong mga creatives at producers ng show ang gumawa. Kalaunan, ang mga “Pinoy games” na kakikitaan ng diskarte at pusong Pinoy naman natin ang gagamitin ng franchise sa ibang bansa. 
 
Huwag palampasin ang makapigil–hiningang pagbabalik ng paborito mong game show na “Minute to Win It: Last Man Standing,” Lunes hanggang Biyernes ng gabi bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN. 
 
Para sa updates sa programa, bisitahin ang www.facebook.com/MinutePHL at i-follow ang @MinutePHL sa Twitter at Instagram. I-follow ‘din ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE