News Releases

English | Tagalog

Jamie Rivera at The Company ipagdiriwang ang araw ng pag-Ibig

January 23, 2019 AT 06:54 PM

Jamie Rivera and The Company celebrate love feels in concert

The Philippines' inspirational diva Jamie Rivera is truly in perfect company as she holds a concert with premier vocal group The Company on February 14 (Thursday) at the Music Museum dubbed “Jamie in Perfect Company.”

Concert na puno ng inspirasyon at himig pampakilig
 
Tunay na “in perfect company” ang inspirational diva na si Jamie Rivera sa pagsasanib pwersa nila ng premier vocal group na The Company sa Pebrero 14 (Huwebes) sa  Music Museum para sa isang concert na pinamagatang “Jamie in Perfect Company.”
 
“Kakantahin namin nila Jamie ang kanya-kanya naming hits at vice versa; abangan nyo kung paano namin iinterpret ang mga ito,” ayon kay Moy Ortiz ng The Company.
 
Isang gabing puno ng mga feel-good hits at musikang pampa-good vibes ang aabangan kasama ang pinakamagagaling na OPM artists na magbibigay ng mga awiting pag-ibig ng nakaraan sa Valentine’s show mula sa produksyon ng Star Events at CCC Productions at mula sa direksyon ni Marvin Caldito.
 
“Ito ang unang beses na gagawa kami ng concert nang magkasama. Excited na kami,” masayang saad ni Jamie.
 
Kilala si Jamie sa mga classic love songs na patuloy pumupukaw ng damdamin tulad ng “Hey, It’s Me,” “Awit Para Sa’Yo, ”at “I’ve Fallen For You,”  bukod pa sa pinasikat niyang inspirational hits kabilang ang “Tell The World of His Love” at “We Are All God’s Children.”
 
Isang acapella pop group naman ang The Company na nagsimula noong 80’s at nagpasikat sa mga kantang “Everlasting Love,” “Muntik Na Kitang Minahal,” at “Now That I Have You.”  Kasalukuyang binubuo ang grupo nina Annie Quintos, Moy, OJ Mariano, at Sweet Plantado.
 
Bumili na ng tickets para sa “Jamie in Perfect Company” sa Ticketworld at Music Museum sa halagang P3,950 (VVIP), P3,450 (VIP), at P1,450 (silver). Maging updated sa pinaka-latest sa mundo ng musika, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at  i-follow sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH. Para sa mga updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o i-visit ang www.abs-cbn.com/newsroom.