News Releases

English | Tagalog

“MY FIRST PRAYER BOOK” NI SCARLET SNOW, INILABAS NA

January 23, 2019 AT 12:37 PM

Scarlet Snow introduces “My First Prayer Book”

Scarlet Snow Belo, the endearing three-year old daughter of Hayden Kho and Vicki Belo, presents “My First Prayer Book”—a fresh collection of stories and prayers from ABS-CBN Publishing for children embarking on their spiritual journey.

Handog ni Scarlet Snow Belo, ang nakakatuwang anak nina Hayden Kho at Vicki Belo, ang “My First Prayer Book,” isang bagong collection ng mga dasal at kwento mula sa ABS-CBN Publishing para sa mga batang nagsisimula sa kanilang spiritual journey.
 
“Isang read-along guide ang “My First Prayer Book” ni Scarlet Snow na makakatulong sa mga magulang sa kanilang pagtuturo ng pagdadasal sa kanilang mga anak. Ang maagang pag-eengganyo sa mga bata na kausapin ang Diyos ay makakatulong sa kanila upang magkaroon ng maayos na relasyon sa Kanya,” pagbabahagi nina Hayden at Vicki sa  foreword ng libro.
 
Mayroon itong 10 easy-to-follow prayers at mga life lessons na itinuro ng mga magulang ni Scarlet sa kanya.
 
“Sabi ni Daddy pag nag-thank you ako kay God para sa gifts nya, pinapasaya nito ang puso Nya,” ayon kay Scarlet tungkol sa Prayer to Give Thanks ng libro. 
 
May mga dasal ring nakapaloob dito para sa benepisyo ng ibang tao— ang Prayer for Somebody Mean to You at Prayer for Mom/Dad When They’re Not Feeling Well.
 
Maganda ring ituro sa mga bata ang Prayer When You Did Something Naughty at Prayer When You Really, Really Want Something upang matutunan nilang humingi ng tawad at lumapit sa Diyos para sa kanilang mga kahilingan.
 
Tampok rin sa “My First Prayer Book” ang mga dasal pagkagising ng bata, bago kumain, bago pumasok sa school, bago maglakbay, at bago matulog.
 
Bukod sa prayers, makikita rin sa libro ang mga cute na larawan ni Scarlet, pati na rin ang ilang kwento tungkol sa kanyang araw-araw na karanasan.
 
Mabibili na ang “My First Prayer Book” sa leading bookstores nationwide sa halagang P285. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abscbn.com/newsroom.