News Releases

English | Tagalog

Ted Failon, tututukan ang mga isyu sa Manila Bay sa “Failon Ngayon”

January 25, 2019 AT 11:08 AM

Ted Failon focuses on Manila Bay in “Failon Ngayon" Special Report

This Saturday (January 26) on “Failon Ngayon,” award-winning broadcast journalist Ted Failon gets to the bottom of the pollution problem in Manila Bay.

Rehabilitasyon o reklamasyon?
 
Isa sa ipinagmamalaking lugar sa kamaynilaan ang Manila Bay, na tanyag sa magandang tanawin, lalo na tuwing palubog na ang araw. Subalit sa pagdaan ng panahon, unti-unti nang naglalaho ang kinang nito dahil sa matinding problema sa polusyong dulot ng mga basurang lumalason sa tubig nito.
 
Ngayong Sabado (Enero 26) sa “Failon Ngayon,” bibisitahin ni Ted Failon ang Manila Bay sa kanyang pagtalakay sa maiinit na isyu kaugnay nito----ang isasagawang rehabilitasyon ng pamahalaan, at ang nakaambang ding reklamasyon kung saan tatambakan ang bahagi ng tubig ng lupa upang magtayo sa ibabaw nito ng mga bagong inprastraktura.
 
Noon at hanggang ngayon, marami pa ring mga gawain sa Manila Bay, isa sa pinakamagandang natural na daungan sa bansa. Mayroong namimingwit, namamangka, nag-eehersisyo sa tabing dagat at marami pang iba. Pero dahil sa napapalibutan ang Manila Bay ng mga gusali at kabahayan tulad ng mga informal settler, nakikilala na rin ito dahil sa marumi nitong tubig.
 
Maganda ang hangarin ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources sa paglilinis nito ngunit bakit nakalusot ang ang mga proyektong maaaring makaapekto sa daloy ng tubig sa Manila Bay at sa paligid nito?
 
Makialam sa isyu kasama si Ted Failon ngayong Sabado (Enero 26) sa kanyang special report sa Manila Bay sa “Failon Ngayon,” 11 pm sa ABS-CBN at may replay sa ANC sa Linggo (Enero 27) ng 2 pm. Ipahayag ang saloobin at magkomento sa http://www.facebook.com/failon.ngayon o http://www.twitter.com/Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Twitter, Instagram, at Facebook o bisitahin ang www.abscbnpr.com.