News Releases

English | Tagalog

Pelikula nina Carlo at Angelica na "Exes Baggage," mapapanood sa KBO

January 29, 2019 AT 02:20 PM


PELIKULA NINA CARLO AT ANGELICA NA “EXES BAGGAGE,” MAPAPANOOD SA KBO
 
Isang regalo ang hatid ng KBO sa CarGel fans dahil may TV premiere na ang “Exes Baggage” sa darating na Sabado’t Linggo (February 2 and 3).
 
Matapos ang higit na 20 taon, ang dating magkasintahan na Carlo Aquino at Angelica Panganiban ay muling nagsama sa isang drama film na umiikot sa kwento ng pagmamahal sa kabila ng ilang sawing relasyong pinagdaanan.
 
Idinerehe ni Dan Villegas, ang pelikula ay tungkol kay Nix, isang musikerong nabihag ang puso ni Pia, isang babaeng puno ng hugot sa buhay.
 
Tumabo ang naturang pelikula ng humigit na P350 milyon at ito rin ang pinaka-unang pelikula ng Black Sheep, ang isang dibisyon sa ilalim ng ABS-CBN Films.
 
Maliban sa “Exes Baggage,” maari ding mapanood ng KBO viewers ang remastered film na “One More Chance,” at ang “Can We Still Be Friends,” So Connected,” at “Triptiko.”
 
Hindi lang ‘yan ang masaya sa TVplus dahil bukod sa mga bagong pelikula na hatid ng KBO, extended din ang trial ng free channels.
 
Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 (date)<TVplus box ID> sa 2366.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.