News Releases

English | Tagalog

Sunud-sunod ang pasabog sa “Los Bastardos”

January 29, 2019 AT 04:08 PM

Gloria Diaz leads shocking revelations on “Los Bastardos”

Veteran actress and Miss Universe 1969 Gloria Diaz joins the cast of the hit afternoon soap “Los Bastardos” as Consuelo Cuevas, a woman with a mysterious past. This comes at the heel of the introduction of Lorenzo, played by Joseph Marco, who is another one of Don Roman’s (Ronaldo Valdez) sons.

Nagtamo ng panibagong all-time high national TV rating
 
Matapos ang inantabayananang rebelasyon tungkol sa pagkatao ni Isagani (Jake Cuenca) noong Lunes (Enero 21) sa “Los Bastardos,” ibinunyag naman noong Biyernes (Enero 25) ang isa pang anak ni Don Roman (Ronaldo Valdez), si Lorenzo (Joseph Marco), at ang pagpasok sa serye ng batikang aktres na si Gloria Diaz.
 
Pinakaaabangan ng mga manonood ang pagsiwalat ng katotohanan sa katauhan ni Isagani kaya nagkamit ito ng panibagong all-time high national TV rating para sa programa na 17.7% ayon sa datos ng Kantar Media. Mas mataas kaysa sa katapat nitong programa na “Wowowin” (14.8%).
 
Lubos ang kaligayahan ni Don Roman nang malaman na si Isagani ang kanyang nawawalang anak na nadiskubre dahil sa singsing na pinakaiingatan ng binata. Ito ang singsing ni Soledad (Christine Reyes) na iniwan sa sanggol na Isagani bago gumuho ang lupa sa kanya.
 
Habang sinusubukan ayusin ni Don Roman ang relasyon ng kanyang apat na anak – Isagani, Matteo (Marco Gumabao), Connor (Joshua Colet), at Lucas (Albie Casiño) – ay pinakilala ng programa ang isa pang Cardinal. Si Lorenzo Cuevas, na gagampanan ni Joseph Marco. Dahil sa pag-aakalang si Don Roman ang nagtangka sa buhay ng kanyang ina ay napuno ng galit ang kanyang puso laban sa mga Cardinal.
 
Ipinasilip din ang pagpasok sa programa ng 1969 Miss Universe na si Gloria Diaz, bilang si Consuelo Cuevas, isang babaeng may miseryosong nakaraan.
 
Paano kaya tatanggapin ni Don Roman, Isagani, Matteo, Connor, at Lucas ang pagating ni Lorenzo?
 
Panoorin ang “Los Bastardos” tuwing hapon sa “Kapamilya Gold” pagkatapos ng “Kadenang Ginto.”
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya ay magpunta sa www.abscbnpr.com.