News Releases

English | Tagalog

Cast ng "Spirits Reawaken," tampok sa "Matanglawin

January 04, 2019 AT 03:17 PM

Kuya Kim challenges "Spirits Reawaken" stars on "Matanglawin"

The new year starts with a bang in “Matanglawin” as Kuya Kim Atienza takes the cast of iWant’s “Spirits Reawaken” on a water obstacle challenge on Sunday (January 6), 9:45 am on ABS-CBN.

Maglalaban ang cast ng “Spirits Reawaken” ng iWant sa unang handog ng “Matanglawin” sa taong 2019. Panoorin sina Grae Fernandez, Kira Balinger, Chantal Videla, Jairus Aquino, at Bugoy Carino sa kanilang pagsagot sa mga tanong ni Kuya Kim Atienza tungkol sa mga mitolohiya at alamat ng Pilipinas habang dumadaan sa isang obstacle course ngayong Linggo (Enero 6), 9:45 am sa ABS-CBN. Samantala, lalakbay si Kuya Kim papuntang Ah Meow Café sa Hong Kong at Tabby Town Cat Cafe and Corgi Club sa Cavite na mga kakaibang lugar na patok sa mga mahilig sa hayop. Makikilala rin niya ang mga animal lover at pet owner na ginagawang layunin ang tumulong sa mga hayop na inaabuso at pinapabayaan. Abangan ang lahat ng ito sa “Matanglawin” ngayong Linggo (Enero 6), 9:45 am sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwant.ph at sa skyondemand.com.ph. I-follow ang @MatanglawinTV sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com.