News Releases

English | Tagalog

Laban ni Pacman kay Broner kasado na sa Enero 20

January 08, 2019 AT 11:54 AM

Nagbabalik ang tanging eight-division world champion na si Manny Pacquaio sa ring at handa na para depensahan ang kanyang WBA Welterweight title laban sa dating four-division world titleholder na si Adrien Broner ngayong Enero 20 na mapapanood nang live sa SKY Sports Pay-Per-View.
 
Matapos ang matagumpay niyang knockout victory noong nakaraang taong laban kay Mattysse, determinado si Pacman (60 7-2, 39 knockouts) na ulitin ito sa pagbabalik niya sa boxing capital ng mundo na Las Vegas.
 
Ayon sa consultant ng Pambansang kamao na si Freddie Roach at kanyang sparring partner na si George Kambosos Jr, hindi kayang patumbahin ni Broner si Pacman.
 
Tulad ng dalawa, sinabi rin ng boxing analyst na si Dennis Principe na hindi banta ang Amerikanong boxingero kay Pacquaio at mabilis niya itong matatalo.
 
Samantala, handa na si Broner (33 3-1, 24 KOs) ibigay ang lahat para matalo si Pacquaio. Inamin ni Broner o mas kilala sa palayaw na “The Problem,” na ang panalo niya kay Pacquaio ay isang highlight na maituturing para sa kanyang karir.
 
Ang nasabing laban ay bukas sa lahat ng SKYcable, One SKY, at SKYdirect subscribers nationwide sa halagang P949.
 
Sa pagsubscribe sa Pacquiao vs Broner PPV, maaring mapanood ng subscribers ang laban ng live, commercial free at in high or standard definition at mayroon ding replay sa mismong araw matapos ang live event.
 
Tawagan ang 418 0000 o ang inyong local office o bisitahin ang www.mysky.com/pacman para mag-subscribe. Ang lahat ng SKYcable at One SKY Fiber with HD subscribers ay maari rin itext ang PACMAN sa 23662.  Samantala ang SKYdirect postpaid subscribers ay maari naman i-text ang SKY to 23668 at ang prepaid subscribers ay magtext ng PPV BOXING <BOX ID> to 23667 (available to Globe Prepaid and TM).
 
Samantala maari panoorin ng SKYcable subscribers ang naturang Pay-Per-View sa kanilang mga TV o di kaya sa SKY on Demand habang ang One Sky Fiber subscribers na walang access sa cable TV ay pwede din mag-avail nitong promo sa pamamagitan ng SKY On Demand.