News Releases

English | Tagalog

Jeff Canoy, sasabak sa "Traslacion" sa "Red Alert"

January 08, 2019 AT 01:58 PM

Jeff Canoy takes us through "Traslacion" on “Red Alert”

Witness what every devotee goes through just to be able to touch the Black Nazarene in a special episode of “Red Alert” with Jeff Canoy this Wednesday (January 9) on ABS-CBN.

ABS-CBN News, maglulunsad ng malawakang coverage sa prusisyon ng Poong Nazareno
 
Muli na namang dadagsa ang milyun-milyong deboto ng Poong Nazareno para sa taunang Traslacion kung saan isang prusisyon ang isasagawa patungong simbahan ng Quiapo sa Maynila. Panata na ito ng maraming Pilipino at paraan upang manalangin, magpasalamat, o humingi ng tawad sa Diyos.
 
Silipin ang pinagdadaanan ng isang deboto rito, na sumasabak sa siksikan, tulakan, at initan para lang mahawakan ang imahen ng Poong Nazareno, sa espesyal na episode ng “Red Alert” kasama si Jeff Canoy ngayong Miyerkules (Enero 9) sa ABS-CBN.
 
Ipapakita ni Jeff Canoy  kung paano pumasok sa kumpulan ng mga tao, hanggang sa paghawak sa lubid, at pagsampa sa andas, na mithiin ng bawat deboto tulad ng 20-taong si Renz Guiron.
 
Ituturo rin ng mga eksperto ang mga dapat tandaan para makaiwas sa peligro, at ang mga paunang lunas sakaling malagay sa sakuna habang nakikilahok sa Traslacion.
 
Samantala, tumutok naman sa ABS-CBN, ANC, DZMM Radyo Patrol 630, DZMM TeleRadyo, at news.abs-cbn.com para sa malawakang coverage ng ABS-CBN News na susundan ang Traslacion simula sa Quirino Grandstand hanggang sa pagdating ng Poong Nazareno sa Quiapo church.
 
Huwag palampasin ang “Panata” episode ng “Red Alert” ngayong Miyerkules 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Tumutok sa malawakang coverage ng Traslacion ng ABS-CBN News sa radyo, TV, at online. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin ang abscbnpr.com.