News Releases

English | Tagalog

Nawalang pag-ibig, muling magbabalik sa "I have a Lover" ng ABS-CBN

October 11, 2019 AT 12:24 PM

Panoorin kung paano magbabalik ang isang pag-ibig na inakalang patay sa hit Korean series “I Have a Lover” na magsisimula ngayong Lunes (October 21) ng 11:30 am sa ABS-CBN.
 
Unti-unting mawawalay sina Marvin (Ji Jin-Hee) at Aira’s (Kim Hyun-joo) sa isa’t isa mula nang mamatay ang kanilang anak, lalu na’t pinipilit ni Aira na kalimutan ang mapait na pangyayari sa kanilang buhay habang patuloy na nagluluksa si Marvin. Dahil dito magkakaroon ng isang relasyon si Marvin sa kanyang estudyanteng si Sofia (Park Han-byul).
 
Nang malaman niya ang nililihim na relasyon ni Marvin, guguho ang mundo ni Aira at madadamay ito sa isang misteryosong aksidente, na magiging dahilan nag pagkawala ng kanyang mga alaala. Makalipas ang ilang taon, makikilala ni Marvin ang isang babaing kamukhang-kamukha ni Aira. Magbabalik ang mga alaala ni Marvin ng kanyang asawa at susubukang kumbinsihin nito ang babae siya ang inakalang namatay na si Aira. Ngunit anumang pilit ni Marvin, wala na ang kanilang nakaraan sa alaala ng babae na igigiit na siya ay si Yolly at hindi si Aira.
 
Sa patuloy na pagsubok ni Marvin na makuha ang loob ni Yolly, unti-unting masisira naman ang kanyang relasyon kay Sofia.
 
Maaayos pa kaya ni Marvin ang kanyang relasyon kay Aira? O mananaid si Sofia?
 
Huwag palampasin ang “I Have a Lover” sa pag-ere nito sa Lunes (October 21) ng 11:30 am, kapalit ang “Nang Ngumiti Ang Langit.”
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.