News Releases

English | Tagalog

Mga Bikolano, pinasaya nina Coco at Yassi sa Penafrancia Fest

October 17, 2019 AT 01:20 PM

Coco and "FPJ's Ang Probinsyano" cast delight Bicolanos at Penafrancia Fest

Bicolanos had a lot to be thankful for during the Penafrancia Festival as the stars of “FPJ’s Ang Probinsyano,” led by Coco Martin, added color and joy to the cheerful event through the Kapamilya Karavan.

Mga bida sa “Sandugo,” “The Killer Bride,” makikisaya sa Masskara Festival


Nagbigay ng kulay at saya ang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa pangunguna ni Coco Martin sa ginanap na Kapamilya Karavan sa Naga noong Penafrancia Festival.
 
Matindi ang naging hiyawan ng mga taga-hanga nina Coco at Yassi Pressma na umawit at sumayaw para sa mga Bikolano sa SM City Naga open parking area. Dumagundong din ang lugar sa tawanan dahil sa mga baong pakulo at biro nina Basilyo, Smugglaz, PJ Endrinal, at Empoy. 


 
Samantala, nakiisa naman sa Penafrancia Festival ang ABS-CBN sa pagpapalabas ng ilang malalaking pangyayari sa piyesta tulad ng prusisyon ng mga imahe ng Our Lady of Penafrancia at El Divino Rostro o ang Holy Face of Jesus patungong Basilica Minore.


 
Hindi rin lugi ang mga debotong hindi nakadalo sa Penfrancia festival dahil naka-livestream ang mga kaganapan sa Choose Philippines website.
 
Biyaheng Bacolod City naman ang Kapamilya Karavan ngayong Sabado (Oktubre 19) para sa Masskara Festival, kung saan handa nang umindak kasama ang mga Kapamilya ang cast ng “Sandugo” at “The Killer Bride.” Abangan sina Aljur Abrenica, Ejay Falcon, Elisse Joson, Jessy Mendiola, Janella Salvador, Joshua Garcia, Geoff Eigenmann, at ang 1st Asian Contents Awards Best Actress na si Maja Salvador sa Gaisano City Parking Lot ng 4 pm, o kaya ay panoorin ang programa via livestream sa Choose Philippines YouTube channel.


 
Layunin ng Kapamilya Karavan, na isang proyekto ng ABS-CBN Regional, na mapalapit ang Kapamilya stars at kanilang mga programa sa mga nasa probinsya sa pamamagitan ng pakikiisa sa kanilang mga piyesta at selebrasyon.
 
Para sa updates sa paparating na Kapamilya Karavan sa Bacolod kasama ang cast ng “Sandugo” at “The Killer Bride,” i-follow ang ABS-CBN Regional (@abscbnregionalofficial, @abscbnregionalevents). Para sa karagdagang impormasyon, i-follow @abscbnpr on Facebook, Instagram, and Twitter, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom/