News Releases

English | Tagalog

Sarah, nagpasiklab sa launch ng ABS-CBN TVplus Fun Familya Day

October 17, 2019 AT 10:52 AM

 
Mahigit isang libong Kapamilya ang napasaya ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kasama ang iba pang Kapamilya stars sa isang hapon na puno ng saya sa unang ABS-CBN TVplus Fun Familya Day sa Vista Mall Taguig noong Sabado (Okt. 13).
 
Dumagundong ang stage nang kantahin ng ‘ASAP’ singer ang kanyang hit song na “Tala” habang nagtayuan naman ang madlang pipol sa sexy dance moves ng Hashtag members na sina Mccoy de Leon, Maru Delgado, Tom Doromal, at Jameson Blake.
 
Naghiyawan naman ang fans nang magperform ng song and dance number sa nasabing event ang ‘PBB Otso’ Batch Four ex-housemates na sina Kiara Takahasi, Wealand Ferrer, Argel Saycon, at Akie Poblete pati ang ‘PBB Otso’ Three ex-housemates na sina Ashley del Mundo at Tan Rocal.
 
Naki-bonding din sa audience ang ‘Bidaman’ finalists, Wize Estabillo, Ron Macapagal, Eris Gonzaga, at Team ‘Yey’ kids sa pamamagitan ng games na nagpropromote ng ABS-CBN TVplus channels na YeY, Cinemo, Movie Central at Asianovela Channel.
 
Naroon din sa kasiyahan ang Jeepney TV na nagpa-games para i-promote ang kanilang nalalapit na ika-pitong taong anibersaryo habang nagkaroon naman ng isang mini job fair ang Trabahanap. Nagpa-raffle naman ang ABS-CBN TVplus Go ng TVplus Go merchandise at hindi din nagpa-daig ang Team GV Ronda na nagperform din sa mga taga-Taguig.
 
Ang pagkakataon naman makapagbigay saya sa tao ay isang masayang experience para kay Kiara na sinariwa ang panahong fan pa siya.
 
“Very honored and happy kasi iba yung feeling na nakakapagpasaya ng tao. I was just an audience before so alam ko yung nararamdaman na nanood ka tapos nakikita mo yung iniidolo mo sumayaw at nagpeperform sa harap mo at now na kami naman ang nagpapasaya so super happy,” pagbabahagi ng “PBB Otso” second placer.