News Releases

English | Tagalog

CSB at EAC hahabulin ang ginto sa unang NCAA HADO Tournament

October 22, 2019 AT 12:00 PM

CSB and EAC go for gold in inaugural NCAA HADO Tournament

Which team will represent the country to the HADO World Championships in Tokyo this December?

HADO Pilipinas Final Battle mapapanood sa ABS-CBN S+A

Gaganapin na ang kampeonato ng kinababaliwang technosport sa bansa na HADO sa nalalapit na NCAA HADO Pilipinas Tournament Final Battle ngayong Biyernes (Oktubre 25), 6:30 pm sa ABS-CBN S+A at iWant.
 
Maghaharap ang De La Salle-College of Saint Benilde (CSB) Anigators at Emilio Aguinaldo College (EAC) Crim Pythons pagkatapos manalo sa kani-kanilang laban sa semifinals kontra San Beda University Red Merly at Arellano University Hansamu noong Biyernes (Oktubre 18) para umabot sa finals ng kauna-unahang HADO Pilipinas Championship.
 
Bukod sa korona, pagtatalunan din ng Anigators at ng Crim Pythons ang karapatan para maging kinatawan ng Pilipinas sa HADO World Championships sa Tokyo, Japan ngayong Disyembre.

Sa isang interview bago ang kanilang pagsabak sa Final Four, sabi ng Anigators, na binubuo nina Niccolo Perez, John Basoc, Jael Dango, Mika Lariosa, at Fiel Julo, na sa tingin nila, inisip ng kanilang mga kalaban na hindi sila ang pinakamalakas na koponan sa torneo. Ginamit nila ito para umabot sa Finals at magkaroon ng pagkakataon maging unang Pinoy HADO champions.

Samantala, para naman sa Crim Pythons, na kinabibilangan nina Kyle David Gamboa, John Dominic Baluran, Miles Edrian Arce, Alsher Escandar, at Benjamin Andres Dela Cruz, hangad nilang manalo sa torneo para sa kanilang eskwelahan. Pero kahit na mainit ang mga laban, wala silang hangad kundi ang kasiyahan ng lahat, kasama na ang kanilang mga katunggali.

Isang inobasyon ang Hado Pilipinas ng ABS-CBN subsidiary na ABS-CBN Themed Experiences, sa pagpapatuloy na paghahandog ng network ng kakaibang karanasan para sa mga Kapamilya at kasalukuyang sumisikat dahil sa pagkakaroon nito ng torneo ngayong ika-95 na season ng NCAA.
 
Huwag palampasin ang HADO Pilpinas Final Battle ngayong Biyernes (Oktubre 25) ng 6:30 pm sa S+A, S+A HD, at iWant sa pagitan ng CSB Anigators at EAC Crim Pythons. Para sa karagdagang detalye, sundan lamang ang @hadopilipinas sa Facebook, Twitter at Instagram. Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE