News Releases

English | Tagalog

Gary V, muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

October 24, 2019 AT 11:17 AM

Mananaliting Kapamilya si Gary V matapos pumirma muli ng kontrata para sa ABS-CBN kamakailan.

Ayon kay Gary, bumabalik sa kaniya ang mga magagandang alaala na nabuo niya kasama ang istasyon tuwing pumipirma ng kontrata sa ABS-CBN. Naikwento rin ni Gary na malalim ang relasyon niya sa ABS-CBN dahil na rin sa haba ng panahon na ginugol niya bilang isang Kapamilya.

Nang tanungin tungkol sa kaniyang mga nakahaing proyekto, ipinahayag ni Gary na isang malaking konsyerto para sa kaniyang ika-36 na anibersaryo ang magaganap sa susunod na taon. Alam niyang buo ang suportang makukuha niya rito mula sa Kapamilya network.

“May pinaplano rin akong proyekto “online” na nakatuon sa mga mang-aawit, pero hindi ito kumpetisyon,” dagdag pa niya.  

Dumalo rin sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, head ng treasury, investor relations, business decision support & finance operations cluster 2 Rick Tan, head ng non-narrative programs Lui Andrada, at ang asawa at manager ni Gary na si Angeli Pangilinan-Valenciano.