News Releases

English | Tagalog

TVplus Go, mabibili na sa lahat ng CliQQ/7-Eleven stores sa Luzon

October 28, 2019 AT 03:07 PM

Mas maraming Pilipino pa ang makaka-enjoy ng hassle free na pagcocomute gamit ang TVplus Go dahil mabibili na ito sa CliQQ shop ang e-commerce arm ng 7-Eleven sa Luzon matapos pumirma ang ABS-CBN ng distribution partnership kasama ang Gate Distribution Enterprise Inc.  
 
Maaari nang mag-order ng mga TVplus Go device sa cliqqshop.com at magpick-up sa 7-Eleven sa loob ng tatlo hanggang limang araw na waiting time. Pwede rin ipick-up ang kanilang mga order pagpunta at pag-uwi sa kanilang trabaho. Sa pagsama ng CliQQ Shop/7-Eleven, mas marami ng commuters ang makakabili lalo na tuwing holiday rush.
 
“Aming hangarin na bigyan ang mga Pilipinong nasa byahe ng pagkakataong mapanood ang kanilang paboriting mga TV show nang walang data charges,” saad ni Zenon Isaac, head of ABS-CBN TVplus Go Marketing and Content Management for Digital Payments and Mobile Services.
 
“The CliQQ facility is available 24/7 so customers can actually purchase and order the TVplus Go through the Cliqq shop,” dagdag ng General Manager ng Gate Distribution na si Trisha Pascual.
 
Maaring gamitin ng customers ang kanilang CliQQ wallet, 7-Eleven rewards points o cash-on-delivery. Maaaring piliin ng customer kung saang 7-Elevn store nila kukunin ang unit at isang SMS ang kanilang matatangap kung maaarin na itong makuha.


Samantala, magiging available naman ang TVplus Go units sa Visayas at Mindanao sa CliQQ shop simula sa susunod na taon.