News Releases

English | Tagalog

Labanang Canelo-Kovalev, KSI-Logan Paul paiinitin ang SKY Sports PPV

October 30, 2019 AT 05:24 PM

Canelo-Kovalev, KSI-Logan Paul boxing bouts heat up SKY Sports PPV

Two of the most awaited boxing clashes—Canelo-Kovalev and KSI-Logan Paul bouts—are coming to SKY Sports Pay Per View this November—live, commercial-free, and in high definition.

Dalawa sa pinakahihintay na sagupaan sa boxing—ang Canelo versus Kovalev at KSI versus Logan Paul—ang magpapainit ngayong Nobyembre sa pagpapalabas nito nang live, commercial-free, at sa high definition sa SKY Sports Pay Per View.

Sina Saul “Canelo” Alvarez at Sergey Kovalev ang magtatagisan sa Nobyembre 3, 2019, 9AM sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas para sa WBO light heavyweight title. May WBA middleweight title na ang 160-pounds na si Alvarez habang WBO light heavyweight champion at nakalalamang ng dalawang full weight classes ang 175-pounds na si Kovalev.

Subalit si Canelo, na hindi pa lumalaban na hihigit pa sa super middleweight limit nitong 168-pounds, ang napipisil na mananalo ng titulo.  

Sa Nobyembre 10, 9AM naman, ang mga YouTube stars na sina KSI at Logan Paul ang magbabalik sa Staples Center sa Los Angeles para sa isang rematch. Natapos nilang dalawa ang kanilang laban noong nakaraang Agosto na may majority draw pagkatapos ng anim na rounds.  Tunghayan sa papalapit nilang laban kung sino ang magtatagumpay sa pagkakataong ito.  

Mapapanood ng mga SKY subscribers ang dalawang laban sa bundled price na P499 sa SKY Sports Pay-Per-View. Para ma-activate, maaring tumawag ang mga SKYcable subscribers sa 34180000 o sa local SKY office o mag-text ng PPV <Account no.> at i-send sa 23362, samantalang ang mga SKYdirect subscribers naman ay maaring mag-text ng PPV BOXING <Box ID> to 23667 gamit ang Globe/TM o magpunta sa pinakamalapit na SKYdirect dealer.

Para naman sa mga SKY Fiber subscribers na may All-In Box, maaaring pumunta lamang sa SKY Sports PPV channel at i-press ang “BUY” button sa remote control para ma-activate kaagad ang PPV. Para sa Metro Manila, CAMANAVA area, Rizal, Cavite, Lipa, Laguna at Bulacan (San Jose del Monte), manood lamang sa channel 261 HD habang ang digital regional areas na - Baguio, Iloilo, Bacolod, Cebu, Davao, GenSan at Dumaguete ay makakanood sa channel 961 HD.

Ang livestreaming access ay available sa SKY On demand app. Para sa karagdagang detalye, i-visit ang mysky.com.ph/boxingppv.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE