News Releases

English | Tagalog

Golden Tigresses at Lady Falcons, magsasabong para sa PVL Collegiate Crown sa LIGA at iWant

October 08, 2019 AT 01:49 PM

Tinatawag na ng korona ang UST Golden Tigresses at Adamson Lady Falcons sa pagsisimula ng kanilang pagtutuos sa Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference finals ngayong Miyerkules (Oktubre 9) LIVE mula FilOil Flying V Arena sa San Juan sa LIGA, LIGA HD, iWant, at sports.abs-cbn.com ng 11 am.
 
Bago sila, maglalaban muna ang Ateneo Lady Eagles at CSB Lady Blazers sa battle for third ng 9 am.
 
Nakahanap ng lakas ang Tigresses para makabalik at tapusin sa limang set ang Game 3 kontra Lady Eagles, 20-25, 25-20, 25-16, 19-25, 16-14, sa likod ng magkapatid na EJ at Eya Laure, at sina Imee Hernandez at Janna Torres.
 
Samantala, nalampasan naman ng Adamson ang pagsubok na hinanda sa kanila ng Lady Blazers salamat kay league-leading scorer Trisha Genesis na nagtala ng 20 puntos sa kanilang huling laro na tumagal ng apat na set, 25-18, 14-25, 25-17, 25-15. 
 
Huwag palampasin ang mainit na simula ng PVL Collegiate Conference Finals Game 1 ngayong Miyerkules (Oktubre 9) LIVE sa LIGA, iWant, at sports.abs-cbn.com mula sa FilOil Flying V Arena sa San Juan. Mapapanood naman ang Game 2 ng LIVE sa ABS-CBN S+A sa darating na Sabado (Oktubre 12). Magsisimula ang araw sa Battle For Third ng Ateneo Lady Eagles at CSB Lady Blazers ng 9 am l, kasunod ng championship match sa pagitan ng UST Golden Tigresses at AdU Lady Falcons ng 11 am.
 
Para sa karagdagang impormasyon at mga kwento tungkol sa PVL Boxing Promotions, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com