News Releases

English | Tagalog

“Abandoned," “Buybust,” at “Ulan” sa KBO 99 promo extension

November 10, 2019 AT 03:38 PM

“Abandoned,” “Buybust,” and “Ulan” among fresh movies in KBO 99 promo extension

Beauty Gonzalez and Seth Fedelin’s “Abandoned,” Nadine Lustre and Carlo Aquino’s “Ulan,” and Anne Curtis’ “Buybust” are just some of the freshest movies that are set to delight avid KBO viewers this November with the extension of KBO99 promo.

Kabilang ang “Abandoned” nina Beauty Gonzalez at Seth Fedelin, “Ulan” nina Nadine Lustre at Carlo Aquino,” at “Buybust” ni Anne Curtis sa mga pelikulang magdadala ng masayang mga panonood ng pamilya tuwing weekend ngayong Nobyembre sa paghahatid ng KBO ng KBO99 promo extension

Sa one-time payment na P99 imbes na P120, mapapanood ng buong pamilya ang walong pelikula sa limang araw bawa’t linggo.

Darating ang iWant original na "Abandoned" na tungkol sa pagsubok na hinarap ni Simone (Beauty Gonzales) bilan isang bodyguard para mapalaki ang anak (Seth Fedelin). Matapos mamatay ang kapwa bodyguard, matatagpuan naman niya ang sarili sa isang lugar na inabandona. Panoorin ito mula Nobyembre 8 hanggang 13.
Sundan ang “Buy Bust,” ang action movie na dinala ang manonood sa isang buy-bust operation na pinagunahan ng rookie police officer na si Nina (Anne) at ni Rico (Brandon Vera) kasama ang anti-narcotics squad sa mapanganib na bahagi ng Manila ay mapapanood rin mula Nobyembre 15 hanggang 20. Panoorin the dalawa subukang supilin ang drug syndicate na nasa control ng big-time drug lord na si Biggie Chen (Arjo Atayde).

Samahan naman si Nadine sa “Ulan” na bibida bilang Maya, isang babaeng nangakong hindi na muling iibig matapos ang sunod-sunod na heartbreak. Mabago kaya ni Peter (Carlo Aquino) ang pangako ni Maya sa sarili? Panoorin mula Nobyemdre 29 hanggang December 4.

Huwag kalimutang abangan si Ai-Ai de las Alas bilang isang ina na may issue sa kanyang mga anak na kailangang ayusin. Panoorin ito mula Nobyembre 22 hanggang 27 kasama ang ilan sa mga restored at remastered films. 

Para maka-avail ng promo na ito, mag-register gamit ang anumang prepaid or postpaid SIM at magtext ng KBO99 <TVplus box ID> sa 2366.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE