News Releases

English | Tagalog

World premiere ng "Your Moment" sa ABS-CBN, tinutukan ng Pinoy viewers

November 11, 2019 AT 07:15 PM

“Your Moment's” world premiere on ABS-CBN captures viewers nationwide

The show’s world premiere garnered a national TV rating of 28.9% versus “The Clash’s” 16.4% last Saturday (November 9), according to data from Kantar Media.

Maraming manonood ang namangha sa nakakabilib na moments ng Pinoy at foreign acts sa bagong two-in-one talent reality competition na “Your Moment” kaya naman umarangkada agad sa ratings ang unang dalawang episodes nito.
 
Nagtala ang world premiere ng programa ng national TV rating na 28.9% kumpara sa 16.4% ng “The Clash” noong Sabado (Nobyembre 9), ayon sa Kantar Media. Patuloy namang kinapitan ang “Your Moment” noong Linggo (Nobyembre 10) kung kailan nakatanggap ito ng national TV rating na 26.3% kumpara sa 17.4% ng “The Clash.”
 
Sa world premiere ng programa, unang nasaksihan ang moderno at enggrandeng revolving set na umiikot sa magkaibang dancing at singing stage, pati na ang emotion meter na ginagamit ng judges na sina Billy Crawford, Nadine Lustre, at Boy Abunda para bigyan ng score ang bawat performance.
 
Namutawi rin ang kwento ng pagsasamahan at pagtutulungan ng mga nagwaging dancing acts na Ruthless Comrades ng Taytay, Rizal at Kenyo Street Fam ng Bulacan.
Sama-sama namang nagpamangha ang winning singing act na Lez 2 Men ang lesbian trio ng Cainta, Rizal, habang napuno naman ng rock and roll ang entablado dahil sa Indonesian duo na The Dens Gonjalez.
 
Samantala, buong weekend ring pinag-usapan ng mga manonood ang hosts, judges, at production value ng “Your Moment” kaya naman binaha ng positibong comments at tweets ang online world noong world premiere nito. Sa katunayan, mula umaga pa lang ng Sabado ay trending na ito sa Twitter.
 
Pagbabahagi ni Jepoy Talks sa YouTube, “Hosts Vhong and Luis - perfect partners. Judges Tito Boy, Billy, and Nadine - ewan ko na lang kung may masasabi pa kayo sa lineup na ‘to. Ang lalakas ng comment, napakatalino at napaka-honest. Syempre pang grand finals and buong production set from lightings to camera angles at stage. #ItoDapatAngShow #ItoAngWorldClass.”
 
Nagbahagi rin ang netizens ng mga elemento sa programang nagustuhan nila, gaya ni @jayestagram, “What I love about your moment is ‘yung transparency ng scores ng judges per moment.” Para naman kay @ClosetedFan, “What I love so far about the acts too: they aren’t all somewhat the same. Like the first three dance groups each had something unique and not just all hiphop groups. The first three singing groups were all different from each other too.”
 
Nagustuhan naman ng Twitter user na si @MASosyolohiya ang pagiging “fast-paced” ng programa at sinabing, “No dull moments! Great performers! Sensible judges! Witty hosts! Technically superb! Congratulations, Your Moment! Bravo!”
 
Dagdag pa ni Miguel Apa sa YouTube, “Your Moment. Talent-reality show na walang okrayan, which is very good. Just pure!”
 
Maliban sa panonood sa TV, pumatok rin sa viewers ang online show ng “Your Moment,” kung saan nagsisilbing hosts sina Sharlene San Pedro, AC Bonifacio, Matty Juniosa mula “Idol Philippines,” at si Dawn Chang na nakasama nila nang live sa pamamagitan ng Skype mula Australia.
 
Abangan ang mga nakakamanghang performance sa “Your Moment,” Sabado and Linggo ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).