News Releases

English | Tagalog

“Hotel Del Luna," pinakamalaking Korean Fantasy-Romance drama ngayong 2019 palabas sa ABS-CBN

November 15, 2019 AT 12:26 PM


Maaari nga bang mag-ibigan ang isang mortal at isang espirito?
 
Sa isang kakaibang hotel sa Seoul, South Korea, matutunghayan ng manonood ang kasagutan  
 
Magtatagpo sa “Hotel Del Luna,” ang pinakabagong Korean series ng ABS-CBN, na magsisimulang umere sa Lunes, Nobyembre 18, sina Nathan (Yeo Jin-Goo), isang Harvard na isa sa mga mahuhusay na batang manager ng mga hotel, at si Jang Man-wol (Korean pop star IU), isang kaluluwang may masakit na nakaraang pumipigil sa kanyang tumawid sa kapayapaan, sa isang hotel na nagsisilbing panuluyan ng mga kaluluwang may hindi natapos na misyon sa buhay.
 
Nang madiskubre ni Nathan ang kanyang abilidad makakita ng mga espiritu sa tulong ni Jang Man-wol, sasamahan niya ito sa pagpapatakbo ng hotel. Sa kanilang pagtutulungan, makikilala nila lalo ang isa’t isa. Pero paano kung malaman nilang mas malalim pa roon ang kanilang koneksyon?
 
Maililigtas kaya ni Nathan si Jang Man-wol sa kanyang mapait na nakaraan?
 
Huwag palampasin ang pagbubukas ng “Hotel Del Luna” ngayong Lunes (Nobyembre 18), na papalitan ang “Codename: Terrius” bago ang “Tonight With Boy Abunda.”
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.