News Releases

English | Tagalog

Lee Dong Wook, Yoo In-Na, magpapakilig sa "Touch Your Heart" sa ABS-CBN

November 22, 2019 AT 04:00 PM

Posible pa kayong maiahon ang karera ng isang artistang natabunan na ng kontrobersiya at iskandalo?
 
Tiyak na magpapakilig ng inyong hapon sina Yoo In-Na at Lee Dong Wook para sa kanilang sikat na romantic-comedy drama “Touch Your Heart” na ipapalabas na sa ABS-CBN ngayong Lunes (Nobyembre 25), na magiging kapalit ng “100 Days My Prince” sa Kapamilya Gold timeslot.  
 
Isang artistang biglang nakalimutan ng mundo si Celine Oh (In-Na) pagkatapos niyang masangkot sa isang iskandalo. Gusto niyang bumalik sa mundong kinagsinan niya at maging isang artistang may tropeo sap ag-arte, at magiging daan dito ang isang teleserye na kanyang gustong kunin ngunit may kapalit: kelangan niyang maging interna sa isang law firm para gampanan ang parte. Dito niya makikilala si Daryl Kwon (Dong Wook), isa sa mga pinakamahusay na lawyer ng kumpanyang kanyang pinapasukan, at magsisilbi bilang kanyang secretary.
 
Kabaliktaran naman ni Celine si Daryl, na ayaw sa tao at mapag-isa at naka-focus lamang sa trabaho. Ngunit, hindi maiiwasang magkagustuhan ang dalawa at magiging problema ni Daryl ang pagkakaroon ng isang artistang karelasyon.
 
Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pagtitinginan at magiging epekto nito sa kanilang relasyon bilang boss at secretary?
 
Samantala, patapos na ang “100 Days A Prince” sa kagustuhan ni Lee Yool, na ginagampanan ni EXO star D.O, na itama ang pagkakamali ng kanyang ama at pakasalan si Yoon Yi-Seo, na ginagampanan ni Nam Ji-Hyun, ng tama kumpara sa panahong siya pa si Na Won-Deuk..
 
Matupad niya kaya ang kanyang mga pangako?
 
Huwag palampasin ang isa sa mga romance-comedy hits ngayong taon, ang “Touch Your Heart,” sa pagbubukas nito ngayong Lunes (Nobyembre 25), na papalit sa “100 Days My Prince,” na i-eere ang katapusan ngayong Biyernes (Nobyembre 22) pagkatapos ng “Sandugo.”
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.