News Releases

English | Tagalog

Ginhawa sa bhaye handog ng TVplus GO

November 22, 2019 AT 10:17 AM

Malaking pasasalamat ang ipinahiwatig ng ilang commuters dahil bawas ang pagkainip at pagod sa byahe ang naging dulot sa kanila ng ABS-CBN TVplus GO, ang mobile device na naghahatid ng mga channel at palabas sa ABS-CBN TVplus.
 
“Hindi na boring ang biyahe ko lalo na kapag traffic. Masaya ako na napapanood ko ang mga paborito kong TV shows kahit nasa biyahe ako,” saad ni Shemlyn Orinoco, isang working mom na sumasakay ng FX araw-araw.
 
Nakapanayam si Shemlyn, pati na ang ilan pang commuter, ni DJ Jhai Ho sa “Umagang Kay Ganda” nang bumisita ito sa iba’t-ibang transportation terminal sa Metro Manila.
 
Para naman kay Mark Ong, isang working professional na araw-araw sumsasakay sa MRT, “lalo na kapag mahaba ang pila, hindi na ako naiinip. Masaya ako everytime na nakakanood ako ng mga paborito TV shows at balita.”
 
Bukod sa nakakaginhawa ito sa kanyang pag-aantay sa pila, “hindi nito kailangan ng mobile data habang nanunuod,” bagay na labis na kinatutuwa ni Mark. “Hindi ko na kailangang magmadali umuwi para makapanood,” dagdag pa nito.   
 
Samantala, sulit na sulit din ng lady guard na si Riza Balancar ang kanyang TVplus GO sa kanyang pagje-jeep tuwing pumapasok sa trabaho.
 
“Dahil sa aking schedule sa trabaho, kadalasan late na ako nakakauwi dahil sa sobrang traffic, hindi na ako nakakapanood ng balita at ng mga paborito kong Kapamilya shows. Kaya nagpapasalamat ako dahil sa TVplus GO… kahit nasa pila ako kagaya ngayon o nasa byahe man ako… pwede na ako manood kahit anong oras,” sabi ni Riza.
 
Ilan lamang sina Shemlyn, Mark, at Riza sa mga bumuti ang commuting experience dala ng TVplus GO. Ang ABS-CBN TVplus GO ay available sa pinakamalapit na outlets sa inyong lugar o mag-order na ng kits gamit inyong CLiQQ apps. For more information and updates, visit facebook.com/tvplusgo.