News Releases

English | Tagalog

Kapamilya stars share early Christmas treat with Caviteños

November 29, 2019 AT 10:54 PM

Isang buong pamilyang nagdiwang ng Kapaskuhan ang mga Caviteño kasama ang sari-saring Kapamilya stars na nagbahagi ng taos-pusong pasasalamat at nagpadama ng matibay na pagmamahal sa mga tagahangang dumalo sa “Bida Kapamilya Family is Forever” event sa Bacoor, Cavite noong Sabado (Nobyembre 22).

Dinagsa ang Strike Gymnasium ng Kapamilya fans upang iparamdam ang kanilang mainit na pagmamahal sa mga bituin ng ABS-CBN, na pinangunahan ng “Love Thy Woman” stars na sina Xian Lim at Yam Concepcion sa paghandog nila ng awitin para sa manonood.

Bumisita rin sa Cavite ang cast ng hapon seryeng “Sandugo,” kabilang sina Aljur Abrenica, Jessy Mendiola, Elisse Joson, at love teams na KarJon (Karina Bautista at Aljon Mendoza) at ReignLi (Reign Parani at Ali Abinal) na umani ng malakas nahiyawan.

Sumama rin sa kasiyahan ang “PBB Otso” teens na sina Gian Wang, Missy Quino, Tan Roncal, at Ashley Del Mundo na lubos na kinakiligan ng mga Caviteno.

Uminit naman ang entablado sa pagdating ng Bidaman boys ng “It’s Showtime” na nagpakitang gilas sa pag-awit at pagsayaw. 

Nagdala naman ng musika ang Star Music artists na sina Sam Mangubat, Kritiko, at Angie Kristine na tumanggap ng mainit na palakpakan para sa kanilang mahusay na pag-awit.

Bukod naman sa nakakaaliw na performances, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga dumalo na ikonsulta ang kanilang kalusugan sa ginanap na libreng medical at dental check-ups na may kasama ring libreng almusal.

Sa pagtatapos ng programa, isa-isang lumapit ang Kapamilya stars upang makipag-selfie sa mga manonood habang inaawit ang ABS-CBN Christmas station ID 2019 na “Family Is Forever.”