News Releases

English | Tagalog

KathNiel, LizQuen, KimXi, Gerald, at Bea, magbabalik-teleserye sa ABS-CBN

November 06, 2019 AT 02:48 PM

ABS-CBN announces comeback teleseryes of KathNiel, LizQuen, KimXi, Gerald, and Bea

iWant to release new “Bagman” series, Gold Squad movies, and Jodi-Ian-Zanjoe film

Opisyal nang inilantad ng ABS-CBN ang mga programang malapit nang mapanood ng Kapamilya viewers, kabilang na ang mga bagong teleserye ng KathNiel at LizQuen, ang unang pagtatambal nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez, ang romance drama nina Kim Chiu, Xian Lim, at Yam Concepcion, at ang action serye ni Gerald Anderson sa naganap na ABS-CBN Christmas Trade Party noong Miyerkules (Oktubre 30).

 

Pagkatapos ng paghakot ng pagkilala ng record-breaking movie nilang “The Hows of Us,” dapat na abangan ng mga manonood ang reunion TV project nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang teleserye na gagawin sa Mexico.

 

Muli ring makakatrabaho nina Liza Soberano at Enrique Gil ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina para sa romantic comedy na “Make It With You.” Sa ipinakitang trailer sa naganap na trade event, bibida sina Liza at Enrique bilang dalawang mukukulit na estranghero na magkakakilala at magkakaibigan sa Croatia.

 

Maiipit naman si Bea Alonzo sa isang love triangle sa kauna-unahang proyekto niya kasama sina Rafael Rosell at Richard Gutierrez sa “Kahit Minsan Lang,” habang mahahati naman ang isip at puso ni Xian Lim sa pagitan sa asawa niyang si Yam Concepcion at kapatid nito sa ama na si Kim Chiu sa “Love Thy Woman.”

 

Si Gerald Anderson naman ang mamumuno sa mga kapwa sundalo niyang sina Elmo Magalona, Nash Aguas, Jerome Ponce, Yves Flores, Vin Abrenica, at Carlo Aquino sa action-drama series na “A Soldier’s Heart.”

 

Samantala, eere na ang breakthrough two-in-one talent search na “Your Moment” tampok ang mga huradong sina Billy Crawford, Nadine Lustre, at Boy Abunda ngayong Nobyembre 9 at 10, habang muling magkakaroon ng pagkakataon ang Pinoy teenagers na maging singing superstar sa nalalapit na pagbabalik ng “The Voice Teens.”

 

Patuloy ring dumadami ang original series at movies na handog ng streaming service na iWant, kasama na ang pangalawang yugto ng “Bagman” na ngayon ay pagbibidahan ni Carlo Aquino bilang ‘gunman,’ dalawang Nathalie Hart-starrer na pinamagatang “Uncoupling” at “Barbara Reimagined,” “Loving Emily” ni Iza Calzado, “Tapes” nina Sam Milby at Yassi Pressman, pati na rin ang pinakahihintay na digital films ng The Gold Squad—ang “Little Red Shoes” nina Kyle Echarri at Francine Diaz, at ang “Wild Little Love” nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

 

Malapit na ring mapanood sa iWant ang pinakaunang proyekto ni Jodi Sta. Maria bilang producer na “My Single Lady,” tampok sina Ian Veneracion, Zanjoe Marudo, at si Jodi.

 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.