News Releases

English | Tagalog

Laban ni Gazini para sa back-to-back Miss Universe crown, mapapanood sa ABS-CBN

December 05, 2019 AT 11:55 AM

Lalaban na ang Miss Universe Philippines na si Gazini Ganados para maiuwi ang Miss Universe crown at bigyan ang Pilipinas ng back-to-back win sa 69th Miss Universe na eere nang live via satellite mula sa US sa ABS-CBN at iWant sa December 9 (Lunes), 8 AM.

Maiuwi kaya ng Cebuana beauty na si Gazini Ganados ang koronang Miss Universe matapos gawin ito ni Catriona Gray noong isang taon?

Gaganapin ang Miss Universe coronation, na tampok ang komedyanteng si Steve Harvey bilang host, sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA.

Unang pinahanga ni Gazini, na magmula sa Talisay, Cebu, ang mga manonood sa kanyang performance sa Binibining Pilipinas 2019, kung saan nagpakita siya ng kumpiyansa, talino, at husay na nagpapanalo sa kanya. Ngayon, tutok na ang pageant enthusiasts sa kanyang pagrama bilang pambato ng bansa upang ipakita ang kanyang tumatak na “Ganado walk” at sumunod sa yapak ng kasulukuyang Miss Universe na si Catriona Gray.

Maaari ring suportahan ng mga Pilipino si Gazini sa panonood ng hinihintay na coronation ceremony sa SKYcable channels na 167 (Metro Manila) at 700 (regional areas), at sa online sa SKY on Demand.

Maaari namang balikan ng pageant fans ang pagrampa ni Gazini laban sa mga kandidata mula sa 92 na bansa sa Metro Channel sa  December 17 ng 7pm. Magkaka-replays din ito sa December 18 (8am), December 20 (9pm), December 22 (8am), at December 25 (3pm).

Para sa karagdagang impormasyon at mga update, sundan lamang ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.