News Releases

English | Tagalog

SHAINA, DENISE, AT JAKE, MANANAKOTGAMIT ANG MAHAHALAGANG ARAL NGAYONG PASKO SA “THE HAUNTED”

December 06, 2019 AT 12:41 PM

Shaina, Denise, and Jake to teach lessons, rattle viewers' Sunday nights in “The Haunted”

Shaina Magdayao teams up with Denise Laurel and Jake Cuenca as they impart valuable lessons and add thrill and chills to viewers’ nights this holiday season with “The Haunted,” which starts airing this Sunday (December 8).

Humanda para sa isang Paskong puno ng mga makabuluhang aral at kababalaghan sa pagbabalik-telebisyon nina Denise Laurel, Jake Cuenca, at Shaina Magdayao sa “The Haunted,” na mapapanood tuwing Linggo ng gabi simula ngayong Disyembre 8.
 
Iikot ang kwento ng “The Haunted” sa mapagmahal na inang si Aileen (Shaina) na susubukang makipag-ayos sa asawang si Jordan (Jake) para sa kapakanan ng kanilang anak na si Angel. Mag-aalangan naman si Aileen na tanggaping muli si Jordan dahil sa pagpapabaya nito na nagdulot sa isang aksidentenghumantong sa pagkaka-coma ni Angel. Sa dalawang taon naman na walang malay ang kanilang anak, makikita ni Aileen kung gaano kamahal ni Jordan ang bata at bibigyan ito sa wakas ng isa pang pagkakataon.
 
Sa muli namang paggising ni Angel, haharap pa ang pamilyasa marami pang nakakasindak na problema.
 
Magsisimulang maghasik ng kasamaan ang multo na siyang muling susubok sa relasyon nina Aileen at Jordan. Hahamunin din nito si Aileen bilang ina at asawa, dahil pilit na aangkinin ng multo sina Jordan at Angel dahil sa isang itinatagong sikreto ng kanilang pamilya mula sa nakaraan.
 
Mangibabaw kaya ang pagmamahal ng isang ina upang mapanatiling buo ang kanilang pamilya? O tuluyan nang mawawasak ang pamilya dahil sa multo ng nakaraan?
 
Tampok din sa Dreamscape Entertainment production sina Alex Castro, Victor Silayan, Sheenly Gener, Ruby Ruiz, Ingrid dela Paz, Simon Ibarra, at Rita Avila. Idinirek naman ito ni Manny Palo.
 
Sundan ang mga misteryong pumapalibot sa “The Haunted,” tuwing Linggo, 8PM, sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow lang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE