News Releases

English | Tagalog

McCoy magpapalaganap ng pag-ibig sa "Wansapanataym"

February 01, 2019 AT 02:15 PM

McCoy spreads love as a cupid in "Wansapanataym"

How long will Val (McCoy De Leon) remain as a cupid? Will he ever find true love?

 
Mula sa pagiging babaero, iikot ang mundo ni Val (McCoy De Leon) sa “Wansapanataym Presents: Mr. CUTEpido” ngayong misyon na niya ang pagpapalaganap ng pag-ibig sa pagbabagong anyo niya bilang isang kupido ngayong Linggo (Pebrero 3).
 
Magiging tulay na nga si Val ng mga taong itinadhana para sa isa’t-isa matapos ang hindi sinasadyang pagkakahawak niya sa isang mahiwagang pana na nagtataglay ng kapangyarihan ng isang kupido.
 
Gamit ang kapangyarihan ng mahiwagang pana, papanain ni Val sina Michael (Jairus Aquino) at Celine (Kira Balinger), dalawang taong parehong itinatago ang pagmamahal para sa isa’t-isa. Dahil kay Val, magkakaroon ng lakas ng loob ang dalawa na aminin ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.
 
Sa paghahanap naman ni Val ng tunay niyang pag-ibig, patuloy naman siyang magiging bulag para sa kaibigan niyang si Tina (Heaven Peralejo), na mula pagkabata ay minamahal na siyang lubos.
 
Hanggang kailan nga ba magiging kupido si Val? Mahanap na nga kaya ni Val ang tunay na magmamahal sa kanya?
 
Samantala, namayagpag sa national TV ratings ang pilot episode ng “Wansapanataym Presents: Mr. CUTEpido” matapos nitong magtala ng national TV rating na 23.5% noong nakaraang Linggo (Enero 27), kumpara sa “Daig Kayo ng Lola” (16.2%), ayon sa datos ng Kantar Media.
 
Panoorin ang mga aral na hatid ng “Wansapanataym” tuwing Linggo sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE