News Releases

English | Tagalog

"The Good Son" at "Wildflower," mambubulabog sa Jeepney TV ngayong Pebrero

February 01, 2019 AT 02:43 PM

"The Good Son," Wildflower" heat up Jeepney TV this February

Maja Salvador is back as Lily Cruz in "Wildflower," airing weeknights at 6 PM on Jeepney TV starting Monday (Feb. 4).

Abangan ang paghihiganti ni Lily Cruz sa Jeepney TV!
Balikan ang misteryo at puot sa “The Good Son” at “Wildflower” sa pagpapalabas ng Jeepney TV ng dalawang matagumpay na Kapamilya serye simula Lunes (Pebrero 4).
 
Maghahatid ng gulo si Maja Salvador bilang si Lily Cruz sa “Wildflower.” Naging biktima ang kanyang mga magulang ng Ardiente family (Tirso Cruz, Aiko Melendez) na nagdala sa kanila sa biglaang pagkamatay. Nakaligtas naman si Lily at inampon ng mayamang negosyante. Magpapanggap bilang si Ivy Aguas, babalikan niya ang Poblacion Ardiente upang maghiganti.
 
Mababalutan naman ng mga lihim ang katanghalian sa Jeepney TV sa programang “The Good Son.” Kasama sina Joshua Garcia (Joseph), Jerome Ponce (Enzo), McCoy de Leon (Obet), at Nash Aguas (Calvin), iikot ang family drama sa pagdiskubre kung sino ang pumatay kay (Albert Martinez), ang ama nina Enzo, Calvin, at Joseph.
 
Samantala, magdadala ng saya at katatawanan simula ngayong buwan ang “The Best of GGV” kasama ang Unkabogable Star na si Vice Ganda at “The Kids’ Choice” kasama ang host nito na si Robi Domingo at Eric Nicolas at ang mga magigiliw na contestants at Kapamilya child stars bilang hurado.
 
Tunghayan ang misteryo sa “The Good Son,” Lunes hanggang Biyernes, 11:45 AM, at masindak sa galit ni Lily Cruz sa “Wildflower,” 6 PM simula Lunes (Pebrero 4). Abangan ang pagsisimula ng “The Best of GGV” sa Pebrero 18 (Lunes), 11 PM, at “The Kids’ Choice” simula Pebrero 25 (Lunes), 7:30 PM. Mapapanood angJeepney TV sa ABS-CBN TVplus channel 11, SKYcable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE