News Releases

English | Tagalog

Mary Grace, pasok na sa bahay ni Kuya

February 12, 2019 AT 02:36 PM

Mary Grace becomes latest housemate

Mary Grace, known for being honest with her feelings and opinions, becomes Kuya’s newest official housemate, after Apey returns to the outside world after being evicted for garnering the lowest number of votes last Sunday (February 10).

Wakim, may panahon pang patunayan ang sarili kay Tori
 
Ang Inday Taray ng Davao Occidental na si Mary Grace, kilala sa kanyang pagigingbtotoo, ang pinakabagong housemate ni Kuya matapos ianunsyo ang paglabas ni Apey, dahil siya ang may pinakamababang bilang ng boto, mula sa PBB house noong Linggo (Pebrero 10).
 
Nakilala si Mary Grace Lagos bilang ate ng “Camp Star Hunt.” Siya ang pinili ni Kuya na pumasok sa kanyang bahay dahil sa pagpapakatotoo nito sa simula pa lamang ng kanyang pananatili sa camp. Matapang niyang ipinahahayag ang kanyang mga opinyon at nararamdaman sa mga kasama. Higit sa lahat, lakas loob niyang hinarap ang kanilang trabaho na pagiging makeup artist at manggugupit ng buhok kahit na labas ito sa kanyang comfort zone. Tatlong taon siyang nanilbihan bilang domestic helper sa Hong Kong.
 
Kasabay ng pag-crossover ni Mary Grace papunta sa bahay ni Kuya ay ang pagpasok ni Camille Sandel sa “Camp Star Hunt.” Ang Scent-sational Stunner ng Pampanga ay isang modelo at online seller ng mga pabango na nais magbigay ng magandang buhay sa kanyang pamilya.
 
Hudyat naman ng pagpasok ni Mary Grace sa PBB house ang paglabas ni Apey, na kasamang nominado sina Lou at Wakim. Bawa't isa sa kanila ay binigyan ng pagkakataong makausap ang mga housemate na espesyal para sa kanila. Kinausap ni Lou ang kanyang kuya-kuyahan na si Yamyam habang si Apey naman ay piniling kausapin ang lahat ng housemates. Sa isang pagkakataon naman ay kinausap ni Wakim si Tori, kung saan inamin ng binata na gusto niya ang Bombshell Sweetie ng Singapore.
 
Paano gagamitin ni Wakim ang kanyang dagdag na oras sa bahay ni Kuya para patunayan ang sarili kay Tori?
 
Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng “Halik,” tuwing Sabado pagkatapos ng “Home Sweetie Home,” at tuwing Linggo pagkatapos ng “Wansapanataym.”Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Maaari namang subaybayan ang “Camp Star Hunt” at ang livestream ng “PBB Otso” sa iWant.
 
Sundan ang @PBBabscbntv sa Facebook, @PBBabscbn sa Twitter, @pbb_abscbn sa Instagram, at Pinoy Big Brother sa YouTube. Maaari ring sundan ang @starhuntabscbn sa Facebook, Twitter, and Instagram.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE