News Releases

English | Tagalog

Rebelasyon sa "Kadenang Ginto," mas tinutukan sa buong bansa

February 13, 2019 AT 06:24 PM

Mas humihigpit ang pagkapit ng mga manonood sa mga rebelasyon ng “Kadenang Ginto” kaya naman patuloy ang pamamayagpag nito sa national TV ratings kumpara sa bago nitong katapat na programa.

Pumalo sa national TV rating na 19% ang Kapamilya serye noong Lunes (Pebrero 11), o pitong puntos na lamang kumpara sa “My Special Tatay” na nakakuha lang ng 12%, ayon sa datos ng Kantar Media. Nito namang Biyernes (Perero 8), tinalo rin ng “Kadenang Ginto” ang pagtatapos ng katapat nitong palabas sa pagtala nito ng 19.1%, laban sa 12.9% ng “Ika-5 Utos.”

Patuloy din ang pamamayagpag sa online world ng serye sa pagkamit ng milyon-milyong views ng highlights nito sa YouTube at araw-araw na pagiging trending topic sa Twitter.

Mas matindi nga ang mga tagpo sa "Kadenang Ginto" ngayong papalapit na nang papalapit si Romina (Beauty Gonzales) sa katotohanan ng kanyang madilim ng nakaraan. Nahanap na nila ang kuha ng CCTV noong gabing siya ay dinakip at pinagsamantalahan, kung saan nakita rin ang plate number ng kotseng ginamit sa krimen. Dahil nga rito, wala nang ligtas si Alvin (Eric Fructuoso) ngayong siya ang itinuturo ng mga ebidensyang nakalap ng awtoridad.

Pero hindi papayag si Daniela (Dimples Romana) na mabuko ang pakikipagsabwatan niya kay Alvin kaya gagawa siya ng paraan upang mapawalang sala ito.

Mahanap na kaya ni Romina ang hustisya sa krimeng ginawa sa kanya?

Panoorin ang “Kadenang Ginto” tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Para sa updates, pumunta lamang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.