News Releases

English | Tagalog

Jed Madela, inilunsad ang "Superhero" album

February 19, 2019 AT 03:23 PM

Jed Madela soars high with "Superhero" album

Jed launched his latest album "Superhero" under Star Music.

Bagong single na “Be With You Again,” collab ni Jed at ng BoybandPH
 
Isang bagong album ang handog ng mang-aawit na si Jed Madela, ang pinakahihintay na “Superhero” album mula sa Star Music na available na sa iba’t ibang digital platforms—sa iTunes, Amazon, Apple Music, at sa Spotify.

Bahagi ng bagong handog ng “Tawag ng Tanghalan” judge ang mga awiting “Superman,” “Superhero,” “I Got Your Back,” “You Were Mine,” at “Di Matitinag.”

Kasama rin sa kanyang “Superhero” album ang kantang “Be With You Again,” isang collaboration sa grupong BoybandPH.

“Nagkaroon sila ng relationship na hindi nagwork tapos yung isa umaasa pa na magkabalikan,” ani Jed sa kwento ng “Be With You Again,” ang awitin na ngayon ay bahagi na ng MYX Daily Top 10 (base sa datos noong Pebrero 18).

Naganap ang pinaka-inaabangang paglulunsad noong Sabado sa Eastwood Open Park kasama ang Six Part Invention at tampok ang guest performers na sina JMKO at Lara at host na si MYX VJ Ai dela Cruz. Pinangunahan ito ng musical director na si Rey Cantong.

Bukod sa bagong album, nakatakda rin ang World Championship of the Performing Arts (WCOPA) hall of famer na umikot sa Pilipinas para sa kanyang 15th anniversary concert tour na inaasahan ding tutungo pati sa US at Canada. 

I-download na ang “Superhero” album ni Jed sa digital stores at abangan ang kanyang mall tours sa iba’t ibang lugar sa bansa. Para sa karagdagang detalye, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at i-follow sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE