News Releases

English | Tagalog

Homecoming concert ni Catriona, live sa KBO

February 22, 2019 AT 10:48 AM

Sabay-sabay salabungin ang pagbabalik-bansa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa inyong mga tahanan dahil palabas sa KBO ang kanyang one-night-only homecoming concert sa Araneta Coliseum ngayong Linggo, 7 PM (February 24).
Iwagayway ang mga bandera at panoorin ang  kanyang pamosong Lava Walk sa inyong mga kabahayan. Makikisaya sa naturang concert si Maymay Entrata, ang TNT Boys na sina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto at, Francis Concepcion, kasama sina Morisette Amon, Jed Madela, Bamboo, at KZ Tandingan.
Ang naturang homecoming ay pangungunahan ni Boy Abunda.  Bukod sa concert, isa ding one-on-one interview kasama si Vice Ganda ang mapapanood ng KBO viewers. 
Mapapanood din ngayong long weekend ang TV premiere nina Aga Muhlach at Bea Alonzo na “First Love,” kasama ang digitally restored at remastered film na “Forevermore,” “You’re My Boss,” Kusina Kings,” at “That Thing Called Tadhana.”
Para panorin ang KBO movies, mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 (date)<TVplus box ID> sa 2366.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.