News Releases

English | Tagalog

Polo Ravales, may babalikang gay lover sa “Ipaglaban Mo”?

February 22, 2019 AT 09:18 AM

Polo Ravales must prove he’s no longer gay to save his marriage on “Ipaglaban Mo”

Polo Ravales plays a man who is determined to save his marriage by all means, including renouncing his homosexuality, on this Saturday’s (February 23) “Ipaglaban Mo.”

Dating buhay bilang bading tinalikuran daw para sa pamilya
 
Kailangang patunayan ni Polo Ravales na tuluyan na niyang tinalikuran ang kanyang nakaraan para maipaglaban ang pamilya nila ni Roxanne Barcelo ngayong Sabado (Pebrero 23) sa “Ipaglaban Mo.”
 
Masaya ang maliit na pamilya nina Ian (Polo) at Lisa (Roxanne) kasama ang kanilang nag-iisang anak. Subalit magugulo ito sa pagbabalik ng isang kakilala ni Ian mula sa kanyang nakaraan noong mga kapwa lalaki pa ang gusto nito.
 
Magsisimulang maghinala si Lisa na hindi pa talaga tinalikuran ni Ian ang pagiging bading niya at susubukan niyang ipa-annul ang kasal nila, na lalabanan naman ni Ian.
 
Mapatunayan kaya ni Ian na nakalimutan niya na ang kanyang nakaraan para magkaayos silang muli ni Lisa?
 
Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.
 
Huwag palampasin ang “Kubli,” sa direksyon ni Chad Vidanes, ngayong Sabado (Pebrero 23), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.