News Releases

English | Tagalog

Hanie, ganap nang housemate ni Kuya

February 26, 2019 AT 01:30 PM

Hanie now a full-fledged housemate

Hanie Jarrar, the Athletic Cutie of Isabela, is now a full-fledged housemate after he was chosen by Kuya to enter his house last Sunday (February 24), following the double eviction of Mitch Talao, the Trans Mama of Lucena, and Wakim Regalado, the Gifted Go-Getter of Iloilo on “PBB Otso.”

Mitch at Wakim, ipagpapatuloy ang mga pangarap sa outside world

Isang ganap na housemate na si Hanie Jarrar, ang Athletic Cutie ng Isabela, matapos siyang pumasok sa bahay ni Kuya noong Linggo (Pebrero 24) sa “PBB Otso,” kasabay ang paglabas nina Mitch Talao, ang Trans Mama ng Lucena, at Wakim Regalado, ang Gifted Go-Getter ng Iloilo papunta sa outside world.
 
Pinili ni Kuya si Hanie na pumasok sa kanyang bahay bilang housemate dahil sa nakita nitong determinasyon sa half-Jordanian charmer tuwing may bagong trabaho sa “Camp Star Hunt.” Higit dito ay ang pagpapakatotoo niya sa harap ng mahirap na sitwasyon - ang unti-unting pagkahulog ng loob niya sa kapwa star dreamer na si Shawntel Cruz, ang Muse-ical Daughter ng Baguio, bagama’t may girlfriend na siya sa labas. Hinangaan ni Kuya ang pagpili niya na gawin ang tama nag magdesisyon siyang tigilan ang tuluyang pag-usbong ng kanilang mga nararamdaman.
 
Hudyat ng paglabas ni Hanie ng “Camp Star Hunt” ang pagpasok ni Mark McMachon, ang Island Son ng Siargao, bilang pinakabagong star dreamer.
 
Matapos ang mga pagbabagong ito sa “Camp Star Hunt” ay inanunsyo naman kung sino ang double evictees mula sa bahay ni Kuya, sina Mitch (4.7%) at Wakim (7.66%), na parehong nakakuha ng pinakamababang bilang ng boto mula sa madlang people. Samantala, nanatiling ligtas sina Yamyam (38.72%), na nakakuha ng pinakamamaraming boto, at sina Lou (25.58%), at Fumiya (23.34%).
 
Ilan sa mga natutunan ni Mitch sa bahay ni Kuya ay ang pagtutulungan at pagmamahalan, habang si Wakim naman ay natutong “wag mag-overthink.”
 
Isa sa mga hindi makakalimutang pangyayari ni Mitch sa bahay ay ang kasal niya. Ayon sa kanya, “Feeling ko big winner na ako nung time na yun.” Si Wakim naman sinabi na ang pagiging housemate niya ay ang kanyang golden opportunity. Payo niya sa mga tao, “Wag mong hintayin ang oportunidad na dumating, kundi gawin mong oprtunidad ang sitwasyon mo ngayon.”
 
Ano kaya ang magiging golden opportunity ni Hanie sa loob ng bahay ni Kuya? Anong trabaho ang naghihintay kay Mark sa pagpasok niya sa “Camp Star Hunt?”
 
Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng “Halik,” tuwing Sabado pagkatapos ng “Home Sweetie Home,” at tuwing Linggo pagkatapos ng “Wansapanataym.”Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Maaari namang subaybayan ang “Camp Star Hunt” at ang livestream ng “PBB Otso” sa iWant.
 
Sundan ang @PBBabscbntv sa Facebook, @PBBabscbn sa Twitter, @pbb_abscbn sa Instagram, at Pinoy Big Brother sa YouTube. Maaari ring sundan ang @starhuntabscbn sa Facebook, Twitter, and Instagram.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE