News Releases

English | Tagalog

Maymay at Edward, naglunsad ng kani-kanilang awitin

February 28, 2019 AT 06:21 PM

Maymay and Edward release individual singles

MayWard introduces new Star Pop songs, Maymay Entrata's "Kakayanin Kaya" and Edward Barber's "No One Else."

MayWard, magpapakilig sa bagong musika…
 
May handog na bagong musika ang MayWard para sa kanilang fans sa paglulunsad ng kani-kanilang bagong single mula sa Star Pop, ang ballad song na “Kakayanin Kaya” ni Maymay Entrata at ang nakakakilig na “No One Else” ni Edward Barber.
 
Gunita ni Maymay ang pagdamdam para sa isang taong may ibang gusto sa kantang “Kakayanin Kaya,” kung saan siya ay mapapaisip kung mananatiling may pag-asa o tuluyan nang aalis.
 
Magpapakitang gilas naman ang may karismang si Edward gamit ang kantang “No One Else.” Kwento ng bagong single ang pag-aalinlangan sa pag-amin ng mang-aawit sa kanya natitipuhan at paghihintay ng tamang oras na gawin ito.
 
Ang “Kakayanin Kaya” ay ang unang single ni Maymay mula sa kanyang pangalawang album, samantalang ang “No One Else” naman ni Edward ay bahagi ng kanyang unang album. Ang mga inaabangang album ay nasa ilalim ng produksyon ng Star Pop sa pangunguna ni Rox Santos bilang overall producer.
 
Abangan ang paglulunsad ng “Kakayanin Kaya” music video ni Maymay sa darating na March 9 (Sabado), 7pm sa MYX at 7:30pm sa YouTube channel ng Star Music. Malapit na ring masilip ang ginagawang “No One Else” music video ni Edward.
 
I-download na ang mga bagong awitin ng MayWard sa digital stores. Para sa updates, pumunta lamang sa www.abs-cbn.com/newsroom at sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.